40

6 1 0
                                    





MAHIRAP ang dinanas ko dahil sa mga taong 'to sa paligid ko na akala ko'y totoo. Unang una ay ang pamilyang itinuring ko na itinago sakin ang tunay kong pagtao. Biglang hindi ko makilala ang sarili ko. Pangalawa ay itong taong 'to sa harap ko na napakaraming ipinangako pero miski isa ay walang plinano para matupad ang mga ito. Paano n'yang nagawang magtagal ng ilang buwan sa piling ko kung hindi pala sapat para sakanya ang lahat ng ibinibigay ko? Pangatlo ay ang pagkalitong nararamdaman ko kay Helicate. Ano bang nagawa kong maganda sa past life ko at ibinigay ka sakin ngayon dito? Pero matatanggap ba kita kung ayaw kitang idamay sa kamalasan ko? At mapapatawad ko ba ang sarili ko kung tatay ko ang dahilan ng paghihiganti ng tatay mo sa pamilya ko? Paanong magiging maayos ang lahat ng ito kung may galit sa isa't isa ang pamilya mo at ang pamilya ko? Should we.. Forgive and forget? At ang pinakahuli ay ang biglaang pagsulpot ng Papa ko. Hindi ko maitatangging masaya ako dahil nabubuhay s'ya pero sangkatutak na tanong ang nabuo sa isip ko. Paano n'yang natagalang hindi ako makasama samantalang ako ay halos mamatay matay kaiiyak dahil namimiss ko s'ya? Hindi n'ya ba naisip na sobrang nagluluksa kami noon sa akala namin ay namatay na s'ya? Anong ginawa n'ya at bakit n'ya ginawa ang bagay na 'yon? At ang pinakahuling tanong.. Nasan ang tunay na Nanay ko?



"Narinig kong gusto mong makita si Nickolai?" Biglang singit ni Papa sa gitna ng tensyon sa pagitan namin ni Noel. Kaya dahan dahan akong tumingin sakanya at ngumiti. Bahagya akong tumango.


"Gusto kong marinig ang explanation n'ya." Mariing sabi ko. Sumenyas lang si Papa at lumabas naman ang isang lalaki na kapansin pansin ang mga nunal sa mukha. Matangkad at medyo singkit. Mula dito ay amoy na amoy ang mabango n'yang amoy at nagngangalit ang mga braso n'yang makakapal ang muscle bagaman payat ang pangangatawan nito. "Speak.." Utos ko. "From the start."


"I'm Nickolai Shred—"


"I don't fucking care about your god damn name, I fucking need your fucking explanation! Mother fucker."


"I'm one of them. Kasama kong kumilos ang Beethoven. But my loyalty is still.. kay Master T." Tumikhim s'ya. "Inutusan ni Hecate si Cole para kuhanin ang ilan sa mga kaibigan mo.. I saw him stalking Ashanti and Kaiden. So, sinabi ko sakanilang mauna na silang umuwi para makaligtas sa mata ni Cole. And.. Akala n'ya makukuha n'ya sila Ashanti kaya he texted you. I hacked his phone. Yeah." Nagkibit balikat s'ya. "And Cole was about to shoot you at the market so I came to stop him. But he grabbed you." Tinuro n'ya si Helicate. "Hindi na dapat kayo parehong tatamaan kaso nagmatigas si Cole at naiputok n'ya ang baril sa hindi malamang direksyon, at tumama 'yon sakanya." Yumuko s'ya parang nanghihingi ng paumanhin. "The tracker saw me in the CCTV clips kaya akala n'ya ay ako ang bumaril sa'yo. But he's wrong. I'm so sorry for that, Master." Doon ko napagtantong walang kwenta si Tito Ismael para sakin. Ang nagawa n'ya lang ay ang turuan ako at bukod don ay wala na. S'ya pa ang nagdala sa buhay ko ng bwisit n'yang anak.


"Don't be sorry. I should be thankful that you came to stop that man." Ngumiti ako. "We'll go." Paalam ko 'tsaka muling inalalayan si Helicate pabalik sa guest room. Habang naglalakad ay nakatitig lang s'ya sakin. "Ano ba! Gandang ganda ka ba sakin? Tsk." Angil ko.


"Yeah. And I'm proud that I'm inlove with you." Bigla ay banat n'ya.


"Eh kung itulak kita nang bumuka yang sugat mo?"


"Napakabrutal mo, babae!" Nakangusong aniya. "Pero nakakabilib yung mga sinabi mo kanina. May point ka don."


"Anong point nanaman?"


"Points sa puso ko.. Hehe!"


"Gusto mong pumoint point sa sahig 'yang dugo mo?"


"Sabi ko nga titigil nako.. Pero may point ka talaga—Aray! Bat ka ba nananakit?!" Kakamot kamot na angil n'ya dahil binatukan ko s'ya.


"Puro ka kasi kalokohan! Isa pang banat mo babarilin kita sa kaliwang tagiliran mo nang magpantay yang butas mo, makita mo." Ngumiwi naman agad s'ya 'tsaka inagaw ang door knob at binuksan ang pinto ng kwarto n'ya. Inaalalayan ko s'ya sa kama n'ya nang pumasok si Papa. Sabay pa kaming napalingon sakanya.


"Babalasahin n'ya na ba ako? Patay na.." Mahinang bulong n'ya. Sa loob loob ko ay natawa ako dahil sa inasal n'ya. Kahit kailan, baliw talaga.


"Ask me.. Starts now." He simply said.


"H-Here?" Tanong ko, lumingon pa kay Helicate.


"Why not?" Napabuntong hininga ako 'tsaka nag-isip ng unang itatanong sakanya.


"Sino ako?" I asked. Natigilan s'ya. Agad na nangilid ang luha ko at naalala ko ang mga sinabi ni Mama Aireen sakin. Na hindi n'ya ako anak, hindi n'ya ako kaano ano. Gusto ko munang makilala ang sarili ko bago ang lahat dahil hindi ako makakalaban sakanila ng patas kung miski sarili ko ay hindi ko kilala ng lubusan.


"I-Ikaw si Delaney. Ang anak namin ni A-Aireen.." Halata ang kaba sa tinig n'ya. Hindi n'ya maitago. Mapait akong napangiti at agad na pinunasan ang luha ko.


"Bumalik ka para lokohin din ako?" Prangkang tanong ko. Lumambot naman agad ang mukha n'ya. "Niloko ako ni Noel. Niloko mo ako. Pinaniwala mo akong patay kana. Tapos.. Niloko ako ni Mama. Pakiramdam ko niloko ako ng buong mundo.. Tapos nandito ka.. Bumalik ka.. Para lokohin ulit ako? Lahat ba kayo lolokohin n'yo ako?" Walang emosyon pero patuloy ang pagtulo ng luha na sabi ko. Hindi s'ya makakapa ng sasabihin. Hindi s'ya makapagsalita. "Alam kona. Sinabi n'ya na. Baka pwede mo ng ikumpirma? Gusto ko ng makilala ang sarili ko. Tama na ang mga panloloko n'yo.." Mahihimigan ang pagmamakaawa sa tono ng pananalita ko. Lalong lumambot ang mukha n'ya at nangilid ang luhang napayuko.


"H-Hindi nga si Aireen ang M-Mama mo.. Ang Mama mo ay ang unang asawa ko. Si Aireen lang ang nakasama mo dahil sakanya kita dinala—"


"Gusto ko lang malaman kahit pangalan ng totoong nanay ko. Hindi ko kailangan ng paligoy ligoy mo.."


"S-Si Skye ang Nanay mo.."


ENJOY READING!❤️

FORGIVE AND FORGET Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon