HINDI ko alam pero gumaan talaga ang pakiramdam ko dahil alam kong may kasama na ako ngayon. Alam kong nandito na ulit ang pamilyang binuo namin ng ilang taon. Masaya ako dahil nandito na sila ngayon sa harapan ko at gumaan ang pakiramdam ko dahil kahit paano'y may masasabihan nako ng hinanakit ko."I-I'm s-sorry.." Umiiyak na sabi ko habang nakayakap sila sakin. "S-Sorry h-hindi ako nag-ingat.."
"No.. Kami dapat ang magsorry. Look at yourself! Payat kana, lalo ka pang pumayat dahil sa problemang binibigay namin." Sinserong sabi ni Ashanti kaya napangiti ako habang lumuluha. Inalalayan nila akong maupo ulit sa kama at naupo sila sa harapan ko. Nasa lapag ang iba, ang iba naman ay nasa tabi ko. "Game. Tell us what happened.."
"I.. I broke up with him." I started. Nagkatinginan silang lahat at sabay sabay na bumuntong hininga. "No'ng nakaraan pa.. napapansin kong t'wing tatawagan ko s'ya ay busy ang phone n'ya. Meaning, may kausap s'yan iba." Napailing si Patricia. "I can feel that sometimes naiilang na s'ya sa presence ko. Pero binalewala ko 'yon." Nag-umpisa nanamang tumulo ang luha ko habang inaalala ang lahat ng napansin ko kay Noel nitong mga nakaraan. "T-tapos.. madalas na din s'yang umalis. One time, nagising ako ng wala s'ya sa tabi ko. Madaling araw na 'yon. Pero no'ng magising ako nung umaga, nandito na s'ya ulit.. P-Parang walang nangyari pagkagising n'ya. H-Hindi n'ya siguro a-alam na nagising ako no'ng mga oras na w-wala s'ya."
"He's a big dick! Tch." Si Chame.
"And kahapon, nagpaalam s'ya na.. na iinom lang sila sa bar ng friends n'ya. Kasi.. k-kasi birthday ni Nio. But then, umuwi s'ya dito.. Habang akala n'ya tulog ako, nagsosorry s'ya sakin. And he said.. mahal na mahal n'ya daw ako, na babawi daw s'ya."
"And then?"
"K-Kaninang umaga umalis s'ya kasi maghahanap na daw s'ya ng agency na mapapasukan n'ya. Pero I have this feeling na nagsisinungaling s'ya, so.. sinundan ko s'ya—"
"Oh my god! And then, you saw him na nakipagkita sa isang girl? Then you slapped that girl because ikaw ang real girlfriend? You did that? Right?!" Pagputol ni Ashanti sakin. Bahagya akong natawa dahil sa pananalita n'ya.
"N-No.. Nagpunta talaga s'ya sa isang agency. But bago s'ya umalis.. m-may nagsend sakin ng video of him. He's kissing another girl." Kitang kita kung paanong bumalatay ang galit at panghihinayang sa mukha nila. Napangiti ako ng mapait. "N-Nagpunta nalang ako sa Cafe kasi magkikita kami ni Engineer, kukuhanin ko yung susi ng bahay. Pauwi na'ko p-pero nakita kong pumasok yung babaeng kahalikan n'ya sa video do'n sa teashop ko." Gumaralgal ang boses ko. "N-Nakipag-usap ako sa kanya. And I gave her some advice—"
"Why did you do that?! Are you out of your mind?!" Galit na singhal ni Ashanti sakin. Pero hindi ko 'yun pinansin. Ang mahalaga sakin ay mailabas ko 'to ngayon.
"P-Pero biglang dumating si Noel. Nagalit pa sakin 'yung b-babae kasi d-daw 'di ko sinabi sakanyang a-ako yung girlfriend ng boyfriend n'ya. P-Pinamukha nila sa'kin 'yung pagkukulang ko." Tuluyan akong napahagulgol dahil do'n. "N-Na kaya nagawa ni N-Noel 'yon kasi hindi ko m-maibigay 'yung g-gusto n'ya sa g-gabi.."
"Oh yeah. He's a dick! An asshole! A bitch! Fuck him!" Sunod sunod na mura ni Ashanti. Minsan lang s'ya magmura pero kapag nagmura s'ya ay talagang may dahilan.
"Kaya hindi ko maiwasang kwestyonin ang sarili ko. Pangit ba talaga ako—"
"No! Of course not! Ang ganda ganda mo kaya—" Si Ashanti nanaman!
"Pangit ba ang katawan ko—"
"No! Ang sexy sexy mo kaya!" Si Merci.
"Kulang na kulang ba ako—"
"Mas lalong hindi!" Sabay sabay nilang sigaw.
"Eh bakit?" Natigilan sila. "B-Bakit kailangang m-magdusa ako ng g-ganito? B-Bakit sa kabila ng magandang pan-labas ko.. N-Niloko n'ya padin ako.. B-Bakit? G-Ginawa ko naman lahat. Binigay ko naman lahat. K-Kaya.. B-Bakit? A-Am I not enough?"
"Shh. 'Wag mong tanungin ang sarili mo ng ganyan. Okay? Sapat ka. You're more than enough. Sobra sobra ka, eh. Hindi lang s'ya nakuntento sa kaya mong ibigay sa ngayon, kaya n'ya hinanap sa iba 'yon." Sabi ni Diane habang awang awa ang mga matang nakatingin sakin. Hindi ko maiwasang kwestyonin ang sarili ko lalo na't ibinigay ko naman lahat sakanya. T'wing nagiging busy ako ay gumagawa ako ng oras para saming dalawa. Kaya hindi ko talaga maintindihan. "S-Same with Cadmus. B-Bigla nalang s'yang nawala. I don't know why." Pilit s'yang ngumiti sa aming lahat. Nabalot pa kami ng katahimikan, animo'y nag-iisip ang lahat nang biglang tumunog ang cellphone ko.
Unknown
At your house. Say goodbye to your Mom.
Nanlaki ang mata ko dahil sa nabasa ko. Nanginig ang lahat ng laman ko dahil sa takot. Dahil sa halo-halo nanamang emosyon ay tumayo ako dahilan para maalarma din ang mga kaibigan ko.
"Why? What happened?" Nag-aalalang tanong ni Cailyn at dali daling tumayo. Tinignan ko pa muna sila dahil hindi ko alam kung paanong ibubuka ang bibig ko sa kaba. Nanghihina akong napupo ulit bago ako nakapagsalita.
"K-Kailangan ako ng M-Mama ko." Natulalang sabi ko.
"Dala namin yung Van. Sasamahan ka namin." Napatingin ako kay Ashanti at dalian n'ya akong hinatak papunta sa sasakyan n'ya. Sinabi ko agad ang address ko sa driver ni Ashanti at agad naman kaming dinala sa bahay ng Mama ko. Patakbo akong pumunta sa mismong bahay namin at naabutan ko do'n si Mama at si Ate na tinututukan ng baril.
"Oh. You're here." Nakangising sabi ni Helicate sakin. "Hindi kaba natuwa sa pagbabalik ko?" Humarap s'ya sakin at nilapit ang mukha n'ya sa mukha ko. Umatras ako ng umatras hanggang sa mapasandal ako sa pader. Pero diretso padin s'ya sa paglapit ng mukha n'ya sakin. Lintek ang kaba ko no'ng bigla n'ya akong halikan sa noo!!
"B-Bitawan n'yo s-sila.." Wala sa sarilimg sabi ko dahil sa kaba.
"Hindi naman namin sila hawak. Hahaha!"
"Ano ba?! Ano bang kailangan n'yo samin? Yan ba? Si Delaney?! Eh, si Delaney naman pala ang kailangan n'yo, eh bakit pati kami inaano n'yo?! Hindi naman namin kaano ano yan!" Sigaw bigla ni Mama. Gulat akong napatitig sakanya.
eh bakit pati kami inaano n'yo?! Hindi naman namin kaano ano yan!
eh bakit pati kami inaano n'yo?! Hindi naman namin kaano ano yan!
eh bakit pati kami inaano n'yo?! Hindi naman namin kaano ano yan!
ENJOY READING!❤️