LAICA
Nang magmulat ako ng aking mga mata ay ako nalang mag-isa ang nakahiga dito sa higaan habang takip ng kumot ang hubad kong katawan at ramdam ko ang pananakit nito lalo na sa may gitnang hita ko. Bumangon ako at pilit umalis ng higaan habang hawak ko ang kumot. Paika ika akong lumakad at binuksan ang pinto. Napatingin ako sa paligid bago pumasok sa silid ni Leo. Napasandal ako sa pinto kasabay ng aking mga luha. Luha ng sakit at galit. Galit kay Glyde dahil muli na naman niya akong pinagsamantalahan ng ilang ulit at hindi ko man lang kayang ipagtanggol ang aking sarili. Sa katotohanang mas mapwersa siya kaysa sakin. Ito ang kanyang ganti at kailan ko ito pagdudusahan? Mas ako ang naging kawawa dito. Sira na ang lahat sakin. Nadungisan ang pagkatao ko.
Unti unti akong napapadaosdos paupo sa sahig habang walang tigil sa paglandas ang mga luha ko sa mukha.
Kung sana ay maibabalik ko lang ang oras para tamain ito pero hindi. Nangyari na ang hindi dapat mangyari.
"Senyorita Laica, gising na po ba kayo? Kakain na po sabi ni sir Ricky." Mahinang katok mula dito sa pinto na kinapahid agad ng mga luha ko sabay tayo ko at tipid na ngumiti kahit hindi naman nito nakikita.
Mariin kong nahawakan ang kumot.
"P-pakisabi po kay sir—Ricky na busog pa ako at masama parin ang pakiramdam ko." Mahina kong sabi habang nakapikit at pigil ang boses kong huwag gumaralgal.
"Sige po, senyorita Laica."
"Salamat." Pagkasabi ko nun ay narinig ko ang mga hakbang nito na papalayo na kaya napahinga ako ng malalim. Pumasok ako ng banyo at nilinis ang katawan ko. Sinabunan kong maigi ang buo kong katawan, lalo na iyong mga pulang marka na bumakat sakin balat. Sobrang sama ng lalaking iyon!
Pagkatapos kong maligo ay nanatili lamang ako sa silid ni Leo at gusto ko na siyang pabalikin dito para may karamay ako dito at hindi makakaramdam ng takot kapag nandiyan ang presensya niya.
Buong araw ay nakahiga at upo lamang ako dito sa higaan ni Leo at aaminin kong nangangalay na itong katawan ko at ngayon nga ay nakaramdam nadin ako ng gutom. Pero titiisin ko ito hangga't kaya ko.
Pipiliin ko pang mamatay sa gutom kaysa ang pagsamantalahan ng Glyde na iyon!
Napapitlag ako ng makarinig ng katok sa pinto at ramdam kong mabigat ang mga katok na iyon.
"Buksan mo ang pinto." Nang marinig ang boses na iyon ay sumiklab na naman ang takot dito sa dibdib ko. Nanginginig nadin pati ang katawan ko. Nakaupo ako dito sa kama at pinapakinggan lamang ang katok sa pinto dahil ayokong buksan iyon. Nakaupong humahalukipkip ako dito sa gilid. "Buksan mo sabi ang pinto o gusto mong sipain ko nalang ito!" Sabi nito sa galit at pigil na tono.
Agad naman akong napatayo at nanginginig ang katawan kong lumapit sa pinto. Umangat ang kamay kong nanginginig at nakahawak sa seradura pero hindi iyon binubuksan.
"Isa! Dalawa! Tat—" Pikit mata kong binuksan ang pinto at napapitlag ako sa gulat ng may humawak sa baba ko. Pagkadilat ng mga mata ko ay kita ko siyang nakangisi sakin na kinakurap ko. Pumasok ito sa loob kaya napagilid ako at sinara ang pinto. Nanatili lamang ako sa pinto nang humarap sa kanya na kita kong may nilapag siya sa lamesa na pagkain na ngayon ko lang napansin.
Naupo ito sa kama habang nakatitig sakin ng matiim.
"P-pakiusap.. A-ayoko ko na! Sobrang sakit na ng katawan ko!" Gumaralgal na naman ang tono ng boses ko at alam kong kita nito ang takot sa mga mata ko.
Bigla itong napangisi na lalong nagpatakot sakin at kita kong nasisiyahan siya.
"Relax, sweetheart. Alam kong masakit ang katawan mo kaya pagbibigyan muna kita ngayon. Dinalhan lang kita ng pagkain mo dahil sabi ni mayordoma ay hindi ka pa kumakain mula kanina." Tumigil ito sa pagsasalita at lalong lumapad ang ngisi nito. "Ayoko naman na mamatay ka sa gutom dahil pagsasawaan ko pa nga ang katawan mo." Pigil ang galit kong huwag itong sigawan na umalis na siya dito sa silid. Dahil kung gagawin ko iyon ay baka ako lang din ang mapapahamak at may gawin na naman itong masama sakin.
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:2- Glyde's Darkest Passion
Художественная прозаLaica Velez is a young and beautiful girl who'll do everything for the seek of her only brother. She's offered to become a fake wife by a man helping her, Mr. Ricky Genolo who owns a lot of business in the country and has only son. In living with th...