LAICA
Alam kong namamaga ang mga mata ko pagkagising ko. Dito na din ako nakatulog sa sahig habang nakasandal sa pinto, nang hindi ko namalayan. Tiyak na mapapansin ang mga mata ko na galing sa pag-iyak.
Hindi ko alam kung anong oras ako nakaidlip. Hindi ko din alam kung anong oras ako umiiyak noon. Nandito pa ang sakit sa dibdib ko.
Napapitlag muli ako ng may kumatok sa pinto. Alam ko kung sino iyon. Kinuha ko ang tray sa kandungan ko at nilagay sa sahig bago tumayo.
Napangiwi ako sa mga binti kong nangangalay. Pero pinilit kong tumayo at inayos ang aking sarili.
Malalim akong napalanghap ng hangin bago hinawakan ang seradura.
"Laica—"
Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pinto. Napayuko ako ng bumungad siya sa harap ko. Pero napakiskot ako ng hawakan nito ang baba ko at pinatingin sa kanya.
Nagkasalubong ang mga kilay nito habang tinitigan ang mukha ko.
"Umiyak ka ba?" Mabilis akong umiling sabay kuha ng kamay nito.
"N-nanaginip ako ng masama kaya umiyak na lang ako sa takot." Tipid kong pagsabi na lalong kinasalubong ng mukha nito. Yumuko ako.
Narinig ko ang marahas nitong paghinga.
"Mag-almusal muna tayo bago umalis. Nakahanda na ang pagkain sa lamesa." Tumango muli ako. Alam kong nakatitig lang siya sa'kin.
Kukunin ko sana ang tray pero sinabihan niya akong iwanan na doon kaya napasunod na lang ako sa kanya ng mabagal na hakbang.
"Good morning, Laica! Kamusta ang tulog mo?" Masayang pagbati sa'kin ni Alexandra ng makarating kami sa lamesa.
"A-ayos lang. Salamat." Nginitian ko siya pagkaupo ko ng hilahan ako ng bangko ni Glyde. Alam kong pakitang tao lang ang ginagawa nito.
Natigilan si Alexandra pagkakita sa mukha ko. Pero hindi na siya nagsalita.
Tahimik lang akong kumakain, dalawang subo pa lang nagagawa ko na alam kong kinatingin lang nila sa'kin. Nagtataka din sa kinikilos ko.
Kahit nasa loob na kami ng sasakyan ni Glyde ay tahimik lang ako. Habang nakikitanaw sa labas ng bintana.
Nagtaka ako ng ihinto ni Glyde ang sasakyan sa gilid ng daan. Napapitlag ako ng hawakan nito ang kamay ko. Sa gulat ay agad ko iyon nabawi na kinasalubong ng mga kilay nito.
"May problema ba?" Umiling ako at nag-iwas ng tingin.
"M-masama lang ang pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko. Narinig ko ang malalim nitong pagbuntong hininga.
Pinausad na nito ang sasakyan. Tahimik kami sa loob hanggang sa makarating ng bahay.
Mabilis itong lumabas at binuksan ang pinto sa may gilid ko. Huminga ako ng malalim bago lumabas.
Walang imik na pumasok ako sa loob ng bahay. Alam kong nakasunod at masid lang si Glyde sa'kin.
"Laica." Papanhik na sana ako sa taas ng tawagin ni Glyde ang panglan ko.
Lumingon ako at pilit siyang tiningnan. Sobrang lapit na pala
ng distansya niya sa'kin."Bakit?" Mahina kong tanong.
"Ano bang problema mo? Kanina ka pa walang imik." Seryoso at may irita sa tono ng boses nito.
Napakurap ako at kahit kinabahan ay sinalubong ko ang mga titig nito.
"Gaya ng sabi ko ay masama ang pakiramdam ko." Lihim kong pinasalamatan ang sarili na hindi ako humahagulhol sa harap nito.
Nakita kong lumamlam ang mga mata nito. Nahuli ko ang akmang pag-angat ng isang kamay nito pero hindi nito iyon itinuloy. Bagkus ay napakuyom.
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:2- Glyde's Darkest Passion
Fiksi UmumLaica Velez is a young and beautiful girl who'll do everything for the seek of her only brother. She's offered to become a fake wife by a man helping her, Mr. Ricky Genolo who owns a lot of business in the country and has only son. In living with th...