LAICA
Pagkatapos ng check-up ko kasama si Glyde ay umuwi din kami agad. Para tumulong sa pag-aayos ng mga kailangang ayusin para sa magaganap na piyesta bukas, ang 'prutasan festival'.
Ipinagdiriwang kada unang linggo ng disyembre. May temang;
'Kumain ng prutas para katawan ay lumakas'.
Iba't ibang prutas na produkto ang ididisplay. May pakain, sayawan, liga ng basket, at iba't ibang actibidades ang magaganap sa bayan bukas.
Pagkababa ng sasakyan ay mabilis akong lumakad sa loob ng gate.
"Damn, Sweetheart. Be careful." Mariin na pagsuway sa'kin ni Glyde, nakasunod siya sa'kin.
Napatigil naman ako at binagalan ang paglakad ko. Ngayong araw ay nalaman na'min ni Glyde na mahigit isang buwan na aking pinagbubuntis.
Niresetahan ako ng vitamins para pakapit ng maigi sa baby na'min.
"Hi, ate! Kamusta ang check-up?" Pagbati sa'kin ni Thea ng makapasok ako sa loob ng bahay.
Wala siyang pasok at bumisita dito para tumulong. Ngayon ay kita kong nagdidisenyo sila kasama sila Nanay Dedeng at iba sa paggawa ng lalagyan para sa idisplay doon ang produktong mangga at suha.
May patimpalak para sa pagandahan ng disenyo para sa produkto mong prutas, at angkop din dapat sa tema ng okasyon.
"Practice tayo ngayon, sasama ka?" Napalingon ako kay Leo na kaharap na ngayon si Glyde.
Seryoso ang mukha ng Kapatid ko, pero nahuli ko ang pagpasada niya ng tingin kay Thea. Namula naman ang isa.
Tiningnan naman ako ni Glyde na kinatango ko bago siya tumingin kay Leo at tumango.
Kasama sila sa team ng basketball na maglalaro bukas.
Napangiti ako ng makitang inakbayan ni Glyde si Leo, pilit naman inaalis ni Leo iyon.
"Sweetheart, practice lang kami ni Bro!" Paghabol na sulyap sa'kin ni Glyde, nakangisi. Namula ang mukha ko ng kindatan niya ako, kasabay noon ang pagtukso sa'min. Siniko naman siya ni Leo na kinatawa ni Glyde.
Napangiti ako, masaya na kahit papaano ay nagkaka-usap na sila ng Kapatid ko. Tinatapunan na din ako ng tingin ng Kapatid ko, hindi man siya nagsasalita ay alam kong hindi na siya masyado galit.
Hindi gaya noong una na hindi niya ako pinapansin na para bang wala ako sa paligid niya. Na parang kinalimutan niya ako bilang ate niya.
BUONG araw ay abala kami sa pagdidisenyo, isang munting kubo na nasa apat na talampakan ang taas.
Dahil pasko ay nilagyan ng imahe ni Jesus noong bagong silang siya, magkatabi na nakatunghay sina Joseph at Maria na nilagyan ng dayami at may nakapalibot na Christmas lights doon, pati sa labas ng kubo ay mayroon ding ilaw.
Atraksyon din ang nakasabit na bugkos ng sanga ng hilaw at lutong mangga, ganoon din ang mga suha.
Sa pinakaitaas ng kubo ay mayroong malaking Christmas star, yari sa diaryo at pako pako na may mga silver dust. Yari din ang ibang disenyo sa mga recycled na bagay.
Nagkatinginan kaming lahat bago ngumiti na itinuon ang pansin sa kubong tapos na gawin.
Simple ngunit napaka- elegante tingnan ng kubo. Dahil bawat isa ay nag-ambag mula sa aming mga puso.
"Dahil tapos na ang kubo ay kainan na!" Hiyaw sa amin ni Nanay Lolit, na siyang gumawa ng aming mireyenda.
Pumasok muna ako sa'kin silid para magpahinga saglit, sa utos na rin ni Nanay Dedeng.
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:2- Glyde's Darkest Passion
Fiksi UmumLaica Velez is a young and beautiful girl who'll do everything for the seek of her only brother. She's offered to become a fake wife by a man helping her, Mr. Ricky Genolo who owns a lot of business in the country and has only son. In living with th...