CHAPTER 15

18K 482 19
                                    

LAICA

Nagulat ako ng marahas akong hinaklit sa pulsuhan ni Glyde. Kinaladkad niya ako sa labas at muntik pa akong matapilok sa hagdanan ng kubo.

"Glyde! Bitawan mo si Laica! Saan mo siya dadalhin!" Narinig ko ang galit na pagkontra ni Sir Ricky, nakasunod.

"Sa akin lang si Laica! She's mine alone!" Galit na pagbulyaw naman ni Glyde. Humigpit ang hawak sa kamay ko. Bumilis ang tibok ng puso ko.

Hinila ako at pinasok sa loob ng sasakyan nito. Mabilis siyang pumasok sa kabila. Kinabitan niya ako ng seatbelt bago binuhay at patakbuhin ang sasakyan.

"G-glyde.. lasing ka.. bagalan mo naman ang pagpatakbo, pakiusap!.." Naiiyak na ako sa takot at todo kapit dito sa kinauupuan ko. Sobrang bilis ng pagpapatakbo nito.

"Akin ka lang, Laica! Akin ka! Hindi ka makukuha ng ama ko!" Galit nitong banta. Dumiin ang kapit niya sa manibela. Nakita ko ang pagtagis ng bagang niya at ang pagtaas baba ng kanyang dibdib, galit siya ng todo.

"G-glyde! Mabubunggo tayo!" Histerikal kong sigaw ng makita ang isang sasakyan na biglang lumitaw sa harap.

"Fvck!!" Kasabay ng mura ni Glyde ang biglang pagtunog ng malakas.

Dumilim ang paningin ko. Ramdam ko ang kirot sa'kin katawan. Hindi ko iyon maigalaw. May tumutulong likido sa'kin noo.

"L-laica.. fvck! H-hold on.." Inaaninag ko ang boses pero nanlalabo ang aking mga mata.

Naramdaman ko lang ang mainit na kamay sa'kin kamay bago dumilim ang lahat sa'kin.

PUTING kisame ang namulatan ng aking mga mata. Hindi ako makagalaw dahil may nakakabit sa'kin kamay na aparato. May benda ang gilid ng noo ko.

"Ate." Biglang nagmulat ng mga mata si Leo, na natutulog sa gilid ko.

Dinaluhan niya ako at nakita ko agad ang pag-alala sa mukha niya.

"L-leo.. anong nangyari?" Napatigil ako ng maalala ang nangyari. Lumitaw agad sa isip ko si Glyde. "S-si Glyde.."

Marahas na bumuntong hininga ang kapatid ko. Magulo ang buhok nito. Naka-uniporme pa ang suot niya.

Nakita ko din na lumisik ang mga mata nito, na parang galit ito.

"Wala bang masakit sa'yo? Nagugutom ka?" Umiling ako sa tanong niya. Tinitigan ko siya.

"S-si Glyde, nasaan siya?" Ulit ko. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari kay Glyde.

Napakurap ako ng marahas akong tinitigan ni Leo. Napasabunot pa ito sa buhok nito.

"Sabihin mo sa'kin kung ano ang ginagawa sa'yo ng gagong lalaki na iyon, ate Laica!" Nilukuban ako ng kaba.

"A-anong ibig mong sabihin, Leo?" Nakita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito. Galit na galit si Leo.

"Ginagawan ka ba niya ng masama?! Pwersahan kang ginagalaw?! Sabihin mo sa'kin ang kagaguhang ginagawa ng lalaki na iyon sa'yo, ate Laica! Sabihin mo!"

Nagulat ako at hindi makapaniwala sa naging reaksyon ni Leo. Nasuntok nito ang pader sa gilid na kinapikit ko.

Galit na galit ang kanyang mukha. Nabahala ako ng makita ang dugo sa kamao niya. Hindi niya iyon pinansin.

Nakatayo siya sa gilid ko at napapasabunot muli sa buhok nito. Ngayon ko lang nakita na ganito ang kapatid ko. Ganito kagalit.

"L-leo.."

"Buntis ka!"

Natigalgal ako. Umawang sa gulat ang bibig ko. Nanlaki ang mga mata ko. Bumilis ang pintig ng puso ko, sa kaba at takot.

Possessive Men #:2- Glyde's Darkest PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon