CHAPTER 18

17.3K 458 25
                                    

LAICA

"Sweetheart.." Napatigil ako sa akma kong pagpumiglas ng marinig ang malalim niyang boses.

Mahigpit ang yakap ng mga braso niya sa'kin beywang habang nakasubsob sa leeg ko ang mukha niya. Ramdam ko ang mainit niyang paghinga. Dama ko din ang mainit niyang katawan, nagbigay ginhawa sa'kin.

"G-glyde.."

"I miss you so much, Sweetheart. Parang baliw ako noon ng ilaw araw na wala ka sa tabi ko at hindi madama ang matamis mong labi at nakakabaliw mong katawan.." Paos ang boses niyang sambit, habang hinihimas pa ang tiyan ko.

Napakislot ako dahil kinakagat niya ng mahina ang leeg ko. Tinabig niya pagilid ang buhok ko para lumitaw ang leeg ko sa kanya.

"Namiss din kita." Wala sa sariling naisambit ko.

Ramdam kong natigilan si Glyde. Marahan niya akong iniharap sa kanya. Kita ko ang gulat pero bakas ng ningning ang kanyang mga mata.

"T-talaga?" Marahan akong tumango.

Napakurap ng ilang beses bago niya muli ako niyakap. Damang dama ang tibok ng kanyang puso, kay bilis noon.

Napakalas din ako at nag-alalang tiningnan ang kanyang sugat.

"Hindi na ba masakit ang sugat mo? Baka mabinat ka at dumugo muli ang sugat mo dahil tumayo ka. Wala kang damit at malamig pa dito sa labas." Bigla niyang hinawakan ang dalawa kong kamay, sabay iling niya sa'kin.

"Ikaw kamusta ka, ang baby na'tin ayos lang ba kayo? Nagpacheck- up ka na? May vitamins ka bang iniinom?" Sunod sunod niyang usisa.

Nakita ko ang totoong pag-aalala sa gwapo niyang mukha.

Naakawang ang bibig kong nakatitig sa bawat buka ng kanyang labi. Ngayon ko lamang nakita na ganito kaseryoso at nag-aalala si Glyde.

Hindi ko din maiwasan ang mag-init ng aking mukha dahil hubad baro siya at nakikita ko ang hubog ng maganda niyang katawan, nasa wasto ang bawat ugat.

"A-ayos lang kami at hindi pa ako Nagpapacheck-up." Mahina kong sambit na kinatango naman niya.

"Bukas din ay ipapacheck-up kita. Nang sa ganoon ay mabigyan ka ng tamang vitamins para sa baby na'tin."

Hinaplos niya ang pisngi ko. Napapikit ako sa hatid ng mainit niyang palad.

Pero napadilat din ako ng may maalala ako. Agad akong napakalas sa kanya, nangunot ang noo nito.

"B-bumalik ka na sa Manila, tiyak na nag-aalala ang ama mo sa'yo." Dumilim agad ang kanyang mukha.
Mahina pa siyang napamura.

"Fvck! Iniisip mo talaga ang ama ko kaysa sa'kin?! Siya ang iniisip mo habang ako ang nasa harap mo? Ganyan mo siya kamahal?"

Nakita ko ang pagdaloy ng sakit sa kanyang mga mata. Gumuhit din ang kakaibang emosyon doon.

Titig na titig siya at parang tagos sa'kin kaluluwa ang mga tingin na iyon.

"Mahal ka ng ama mo, Glyde. Nasasaktan siya na lumalayo ang loob mo sa kanya, na may galit ka para sa kanya. Ikaw lagi ang iniisip niya at ang kapakanan mo. Sana mapatawad mo siya kung may pagkukulang man siya bilang ama. Sana kausapin mo siya at makipagbati ka sa kanya. Mahal ka niya, Glyde."

Lakas loob kong sabi. Ito na din ang matagal kung gustong sabihin sa kanya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko ng masabi ko na iyon ng harapan kay Glyde.

Nagbabasakali akong maliwanagan siya ngayon. Makipag-usap at bati sa pagitan nilang dalawa.

Pareho silang malapit sa'kin kaya nasasaktan din ako sa pakikitungo nila sa isa't isa. Mag-ama pa naman.

Possessive Men #:2- Glyde's Darkest PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon