EPILOGUE

26.5K 783 103
                                    

EPILOGUE

"Nanay! Nasaan po si Tatay?"

Napatingin si Laica sa anak nitong si Glenn, nasa limang gulang at bibo ang bunsong anak nila ni Glyde.

"Nasa work pa si Tatay, anak! Bakit mo siya hinahanap?"

"Kase po hindi pa tapos iyong car ko po!" Pag-ismid na irap ng bunsong anak nila, napangiti si Laica.

Dumako ang tingin ni Laica sa ibabaw ng drawer kung saan nakalagay doon ang sasakyan na gawa sa lata.

Hindi pa nga ito tapos dahil wala pang gulong na dapat ay yari sa sirang tsinelas.

"Sige, sasabihin ko pag-uwi ni Tatay, okay?" Tumango tango naman ang bata, nanginginig ang mga mata.

"Opo! Nanay! Laro lang po ako kila Leonard!"

"Dahan dahan lang baka madapa ka sa pagtakbo mo, anak!" Nakangiting naiiling na lang si Laica sa anak niya.

Si Leonard na pamangkin ni Laica, bunsong anak nila Leo at Thea. Nagkatuluyan ang dalawa at mayroong tatlong anak.

Isang nurse si Thea, doon sa hospital sa bayan siya nagtatrabaho . Habang si Leo naman ay namamahala sa ilang negosyo nila Glyde, na pinagkatiwala sa kaniya.

Habang sina Glyde at Laica ay mayroong lima na mga supling. Tatlong lalaki at dalawang babae. Nasa Kinse anyos ang panganay.

Dito sa bayan ng San Francisco napili ng mag-asawa na lumagay sa tahimik. Pero si Glyde pa rin ang namamahala ng lahat ng negosyo ng pamilya.

Kamakailan lamang pumanaw ang ama ni Glyde, na si Senyor Ricky. Kaya lahat ng ari-arian ay napunta sa nag-iisang anak.

Natigilan sa paghihiwa ng rekado si Laica ng marinig ang iyak ng anak.

"Nanay! Iyong napkin ko po nawawala!" Umiiyak na sumbong ng dalagitang anak nila na si Gaile, ikatatlo sa lima, trese anyos.

"Anak, diba nasa ilalim ng drawer mo nakalagay ang sanitary napkin?" Pag-alo naman ni Laica sa anak. Natigilan ito at nagpahid ng mga luha.

"Oo nga po pala! Salamat po, Nanay!" Napailing na lang si Laica sa anak. Kung minsan ay makakakimutin ito.

Nagpatuloy si Laica sa paghiwa ng rekado para sa lulutuin niyang kare kare, na paborito ng asawa niyang si Glyde. Para sa kanilang hapunan.

"Hi tita Laica! Nandiyan ba si Glaica?" Pagsulpot sa kusina ng isang binatilyo. Si Joseph, anak ni Junjun.

"Hi, Joseph! Nasa silid niya at nag-aaral, bakit?" Lumapit ang binatilyo kay Laica.

Pormang porma ang binatilyo ni Junjun at magkasing-edad sila ni Glaica, ang ikaapat na anak nilang dalagita na nasa katorse ang edad.

"May fiesta kase sa kabilang bayan, aayain ko po sana siyang magdate-- ay este gumala doon!" Nakita ni Laica ang pamumula ng tenga ng binatilyo ng taasan niya ng kilay, napakamot pa ito sa batok nito na parang nahihiya.

"Tanungin mo na lang siya kung sasama siya sa'yo."

"Thanks po, tita Laica!" Lumiwanag ang mukha ng binatilyo bago nito puntahan ang dalagita ni Laica.

Nakangiting napailing na lang si Laica bago nagpatuloy sa ginagawa. Nasa bahay lamang si Laica, fully housewife. Wala silang katulong dahil na din sa gusto ni Laica.

"Nanay! Bakit mo pinayagan si sepsep na pumasok sa kwarto ni Glaica?" Biglang pagsulpot ng panganay nilang si Glade, kinse anyos. Kamukhang kamukha ni Glyde, pati ugali ay namana din sa ama.

"Anak, huwag ka'ng mag-alala may tiwala ako sa batang iyon. Isa pa ay magaling sa martial arts ang kapatid mo kaya noon ang sarili." Nakangiti naman na sabi ni Laica sa anak.

Possessive Men #:2- Glyde's Darkest PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon