CHAPTER 21

17K 489 13
                                    

LAICA

Habang naglalaga kami ng saging ay nagkukwentuhan kami ni Thea ng kung ano ano, na malayo na sa totoong sitwasyon.

Ngayon ay gumagawa kami ng mango juice, mga lutong mangga at walang halong kemikal. Sariwa pa at bagong pitas mula sa puno.

Dadalhin na'min mamaya sa farm para pang mireyenda.

Nalaman ko din mula kay Thea na nasa anihan daw si Glyde at tumulong doon sa pag-aani.

Nagulat ako ng malaman iyon. Alam kong hindi sanay sa ganoong gawain si Glyde. Hindi siya sanay sa mapawis at mabigat na gawain.

Hindi ko din alam kung nagkakamabutihan na din sila ni Leo, pero sana ay nagkaintidihan silang dalawa. Dahil parehos ko silang mahal.

Mabagal ang lakad ko dahil medyo mahapdi ang gitnang hita ko dahil na rin sa nangyari kanina sa ilog.

Talagang nanggigil si Glyde. Hindi ako tinantanan hanggang sa nagmakaawa na ako sa kanya dahil sa pagod.

"Ate, ayos ka lang? Pansin kong paika- ika ang lakad mo. Masakit ba ang mga paa mo?" Muntik na akong mapaubo sa inosenteng tanong na iyon ni Thea.

Buti na lang at nasa unahan ako.

"O-oo! M-masakit ang mga paa ko!" Nakagat ko ng lihim ang aking dila.

Napabuga ako ng hangin ng tantanan na niya ang pagtanong sa'kin.

Pagdating sa farm ay agad akong natigilan. Natulala sa aking nakita. Wala sa oras na napalunok ako ng aking laway.

Sa di kalayuan ay kitang kita ang bawat paggalaw ng mga ugat sa kamay, braso, leeg at tiyan sa hubad baro na si Glyde.

Pasan nito ang kaliwang balikat ang isang kaing na tapos ng kiluhin.

Tumutulo ang pawis niya sa noo pababa sa kanyang leeg habang hindi alintana ang bigat ng kanyang pinapasan.

Nga pala, naalala kong isa siyang fighter at malalaking katawan ang kinakalaban niya!

Yakang yaka lang pala nito ang magbuhat ng mabibigat.

"Ang hot ni Kuya Glyde bagay kayo, Ate!" Pagsiko sa'kin ni Thea.

Dahil sa kakatanong ni Thea kanina ay napakwento ako tungkol sa amin ni Glyde. Alam din niya na buntis ako.

Tiningnan ko siya pero huling huli ko ang paglunok nito at tulala habang nakaawang ang bibig. Kita ko din ang pagpula ng tenga at mukha nito, habang nakatitig siya kay Leo.

Hubad baro din ang Kapatid ko at may pasan na Kaing, na walang laman. Unti unti na din nagkakalaman ang katawan ng kapatid ko, siguro sa kakatrabaho niya dito.

Maalaga din sa katawan ang Kapatid ko. Nga lang ay bawal siya ng husto sa mabibigat na bagay at baka mabinat ang operasyon sa kanya.

"Ehem! Baka matunaw niyan ang Kapatid ko!" Napapitlag ito sabay iwas nito ng tingin bago naunang lumakad ng mabilis.

Mahina akong tumawa pero napasinghap ako ng may yumapos sa'kin mula sa likod ko. Sabay halik niya sa nakalitaw kong leeg.

"Damn, Sweetheart.. you smells good."  Paanas na sambit ni Glyde, napakurap ako at akmang aalis pero humigpit ang yapos niya sa'kin.

Napatingin ako sa paligid at kita kong hindi naman sila nakatingin sa amin.

"G-glyde.. b-bumitaw ka na at may dala kaming mireyenda!" Nauutal ko ng sambit.

Gumapang ang palad niya mula sa'kin tiyan pataas patungo sa nakalitaw kong balikat pababa sa kamay ko, kinilabutan ako.

"Akin na, Sweetheart.." Napapitlag ako ng kunin ng palad niya ang bitbit kong tupperware.

Marahan niya akong hinila sa umpukan nila Nanay Dedeng. Si Thea at Leo ay magkatabi sa isang upuan, nag-uusap.

Masaya na'ming sinaluhan ang mireyendang nakahanda sa lamesa. Bawat isa ay nakangiti ang mukha habang kumakain. Nawawala ang pagod mula sa trabaho, kapag magkasama at nakangiti.

KINAGABIHAN ay nagulat ako ng bumukas ang pinto ng silid ko.

"G-glyde! A-anong ginagawa mo dito?" Mahina kong sambit ng lumapit siya sa higaan ko matapos niyang siraduhan ang pinto.

Kanina ay sinabi niyang dito daw siya matutulog. Sa silid siya ni Leo kase umalis ang Kapatid ko para ihatid si Thea sa kanyang inuupahan na bahay doon sa bayan.

Nakakulong na din ang mga lalaking iyon at nabuwag ang fraternity, dahil na din sa tulong ni Glyde. Siya ang nagpakulong at nagpabuwag.

Marami na din pala nabiktima ang fraternity na iyon. Kaya ang siyang nasa itaas noon ay sinampahan na ng kaso. Maraming kaso ang inihain.

"Of course, I have the right to sleep with my wife—"

"A-ano?!" Hindi makapaniwalang hiyaw ko na agad tinakpan ang bibig.

"What?" Nakangisi ng malapad si Glyde, habang nakadukwang siya sa'kin. Nasa magkabilang gilid ko nakatukod ang mga kamay nito.

"I-iyong sinabi mo.." Hinawakan niya ang baba ko. Binigyan ng mabilis na halik ang bibig ko.

"I have the right to sleep with my wife." Malinaw kong naiintindihan ang bawat katagang sinambit niya na siyang nagpabilis ng tibok ng aking puso, sobrang bilis.

"P-pero paano ang babaeng binuntis mo rin?" Naging seryoso ang mukha ko, nangunot ang noo ni Glyde.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Narinig ko kayo noon na buntis ang babae at ikaw ang ama.. totoo ba?" Nais gumaralgal ang boses ko pero pinigilan ko.

"Yes, she's pregnant." Tuluyan akong napahikbi. Naalarma naman si Glyde at mabilis akong inalo. "But I'm not the father. Hindi ako ang ama."

Seryosong dugtong ni Glyde na titig na titig sa mga mata ko. Napakurap ako sa aking narinig.

"T-totoo ba ang sinabi mo?"

"Yes. I'm not lying. Dahil sa'yo ko lamang itinamin ang lahi ko. Gusto kong ikaw ang ina ng magiging anak ko. Kaya ngayon ay naging successful ako at magkakaroon na ng anak. It's because I love you so much, Laica."

Tumahip na naman ang bilis ng tibok ng dibdib ko.

Mabilis kong niyakap si Glyde. Napaluha ako hindi sa lungkot kundi sa sobrang saya ng aking nararamdaman ngayon.

"Mahal na mahal din kita, Glyde."

Nagtagpo ang aming mga labi. Naglapat ang mga hubad na katawan at pinadama ang init at pagmamahal sa bawat isa. Sumasabay ang aming ungol sa ugong ng panggabing kuliglig. Sumasabay ang pagpatak ng aming mga pawis sa paggalaw ng aming mga katawan.

"B-bagalan mo ang paggalaw, Glyde.. b-baka magiba ang katre ko.." Namumula kong anas ng marinig ang paglagitnit ng katre ko, sa tindi ng paggalaw niya sa ibabaw ko.

"Fvck, Sweetheart! I can't control!" I'll buy you metal bed, later!" Napasinghap ako sa bilis ng paggalaw ni Glyde.

Namumuo ang kanyang ugat, tanda na malapit na siya at ganoon din ako.
Kasabay ng aming panginig ang tuluyang pagsuko ng mga paa ng katre ko, buti na lang at mabilis akong niyakap ni Glyde.

Nagkatinginan kaming dalawa at sabay na ngumiti sa isa't isa. Pero agad ko siyang sinamaan ng tingin.

"Maski katre ko hindi mo pinapalampas!"

"Ayokong palampasin ang gabi na ito na hindi na'tin nabibinyagan ang katre mo— ouch!"

Ubod diin kong nakagat ang balikat niya sa inis ko. Humalakhak naman siya ng makita ang itsura ko.

***
Please votes, comments and share. Thank you.

MAYAMBAY.

Possessive Men #:2- Glyde's Darkest PassionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon