LAICA
Hindi ko napigilan ang sarili kong sirain ang suot kong damit sa matinding init na lumukukob sa'kin ngayon. Pilit naman akong pinipigilan ni Alexandra, habang nakaupo kami dito sa mahabang upuan.
Iginaya ako ni Alexandra dito sa loob matapos na umalis sina Glyde at Timothy, kanina pa iyon. Hindi ko alam kung saan nagpunta pero hindi ko na iniintindi iyon, mas nangibabaw ang nararamdaman ng aking katawan.
"A-ng init! Gusto kong maghubad!" Naiiyak na ako sa nararamdaman ng katawan ko. Pilit kong inaalis ang suot kong blouse. Pero pilit naman akong pinipigilan ni Alexandra.
"Laica, calm down. Hold on for a minute. Shit! Saan na ba ang dalawang iyon!" May sinasabi ito na hindi ko maintindihan. Nahihilo na din ang pakiramdam ko at bumibigat na din ang aking paghinga.
Sobrang init na ang nararamdaman ng aking katawan. Gusto kong umiyak o mag humiyaw. Nais kong matugunan na ito. Desperado na ang katawan ko.
"Thank goodness dumating na kayo! Glyde, anong gagawin na'tin kay Laica?" Narinig ko mula kay Alexandra, kasabay ng mainit na mga kamay na dumapo sa'kin magkabilang balikat.
Humawak ako sa kamay nito at lalong idiniin sa katawan ko. Natigilan ako saglit ng makitang may sugat sa kanang kamao ni Glyde.
"Where's the guestroom?" Narinig kong tanong ni Glyde.
Napapitlag ako ng mabilis niya akong pinangko. Humigpit ang yakap ko sa kanyang leeg bago sumubsob doon. Hinahalikan ko ito at lalong dinidiin ang aking katawan. Napapaungol ako.
"May silid sa itaas sa kaliwa doon mo siya dalhin!" Sigaw na rinig ko mula kay Timothy.
Mabilis ang mga hakbang ni Glyde, habang ako ay pilit hinahalikan ang kanyang labi.
"Tsk. Kung hindi ka nasa ilalim ng ecstasy ay iisipin kung atat na atat kang halikan ako." Mahina nitong bulong sa may tenga ko pero hindi ko iyon pinapansin.
Nakarinig ako ng pagbukas at sara ng pinto. Umungol ako sa pagprotesta ng ilapag ako ni Glyde sa malambot na kama bago siya kumalas.
Nakita kong pumasok siya sa isang pinto. Hinawakan ko ang damit ko at itinaas iyon paalis sa'kin katawan. Akma kong kakalasin ang bra ko ng may isang kamay ang pumigil sa'kin.
Napasinghap ako ng muli akong pinan.gko ni Glyde, pumasok kami sa loob ng nilabasan niyang pinto.
Napasinghap ako ng marahas ng biglang inilublob ni Glyde ang buo kong katawan sa napakalamig na tubig.
Napakapa ako at marahas na pumipiglas na makaahon sa tubig. Sunod sunod ang pag-ubo ko ng ihaon ni Glyde ang mukha ko.
"Ano, mainit pa ba ang pakiramdam mo?" Marahas ko siyang pinukolan ng masamang tingin.
"P-papatayin mo ba ako!?" Ang seryoso nitong mukha ay unti unting napalitan ng ngisi.
Hinawakan niya ang panga ko bago nilapit ang kanyang mukha.
"Kung hindi ko ito ginawa ay baka kanina pa kita niromansa. Ito na lang ang paraan ko para mawala ang init sa katawan mo." Pinisil niya ang baba ko. Langhap ko ang mainit niyang hininga na may amoy alak, pero natigilan muli ako sa kasunod niyang dugtong. "Handa naman akong tugunan ngayon ang init ng katawan mo. Alam mo na kanina pa ako nagtitimpi sa'yo."
Napakurap ako ng marinig ang kanyang sinabi. Naalala ko ang nagawa ko kanina. Kusang gumagalaw ang katawan ko dahil may hinahanap ito para matugunan ang init ng katawan ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko kanina. Tinatangay ako ng kakaibang sensasyon.
Mabilis kong muli nailublob ang mukha ko sa tubig, pigil ang hininga ko. Hiyang hiya ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Possessive Men #:2- Glyde's Darkest Passion
Ficção GeralLaica Velez is a young and beautiful girl who'll do everything for the seek of her only brother. She's offered to become a fake wife by a man helping her, Mr. Ricky Genolo who owns a lot of business in the country and has only son. In living with th...