1

13 0 0
                                    

Wala kang nakikita,
Wala kang naririnig.
Piringan ang mga mata,
Busalan ang bibig.

Ito'y bansang demokrasya,
Na mayroong hari't reyna.
Bulok na tatsulok ang sistema,
Kung saan pera ang namamahala't sinasamba.

Pakpak ay putulin na,
Manatili sa hawla.
Bansang malaya,
Pero naka-kadena.

Karapatan mo ang magsalita
Basta ba't i-filter ang bunganga.
Kung ayaw mong kinabukasan
Ay humandusay sa daan.

Ika nga'y kung ayaw madaan sa santong dasalan,
Daanin mo sa santong paspasan.
Kung 'di mananahimik
Dila ay parusahan.

Iposas ang mga kamay
Putulin ang mga paa.
Takpan ang tenga,
Wag na wag kakanta.

Yumuko, lumuhod
Sa kanila ay sumunod
Wag magkakamali
Mga kamay ay itali

Ibaba ang sandata
Wag ka nang lumaban pa
Dahil sa giyerang ito
ay wala kang pag-asa.

Ibaba ang sandataWag ka nang lumaban paDahil sa giyerang itoay wala kang pag-asa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


•photo not mine. Credits to the rightful owner.

Source: Pinterest

~Luna

of wishes and whispers to the moonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon