33

7 0 0
                                    

"W-wag! Patawarin mo ako. M-maawa ka sa akin... Wag mo akong patayin. Parang awa mo na Kyla... I-ibibigay ko sayo lahat ng gust--- ahhh"

Hindi na natapos ang pagmamaka-awa ni Jerome matapos siyang pagtatagain ni Kyla ng walang habas sa lahat ng parte ng kanyang katawan. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at nagtaasan ang mga balahibo ko sa brutal na pangyayari pero hindi ko parin inaalis sa tv ang aking mga mata at itinuloy lang ang panunuod.

Nagmu-mukbang rin ako kasama ang boyfriend ko habang nanonood at halos mawalan na kami parehas ng gana sa pagkain dahil sa mga brutal na pangyayari sa palabas.

Nalaman kasi ni Kyla na buntis ang bestfriend nyang si Jen at ang boyfriend nya ang ama kaya naman parang nawala sya sa katinuan at pinagpapatay ang dalawa. Ang malala pa doon ay binuksan nya ang tiyan ni Jen at kinuha ang fetus doon.

"Hmmm. Jen? Gaano ka ba kasarap para mas piliin ka ni Jerome kesa sakin, ha?!" Pagkakausap nya sa katawan ni Jen na wala ng buhay. Kinaladkad nya sa kusina ang katawan ni Jen kasama ang fetus at saka pinagtatadtad, samantala'y pinaupo nya naman sa upuan ang boyfriend nyang wala na ring buhay. Inihain nya ang katawan nila sa hapag at pilit na isinusubo Kay Jerome at kinakausap ito kahit na alam nya sa sarili nyang hindi na ito sasagot pa.

Hindi ko na nakayanan ang palabas at agad na pinatay ang TV. Sinulyapan ko ang boyfriend ko at pinagtawanan ito dahil namumutla na ito. Marahil ay sobrang natakot at nadiri sa palabas.

"Huy, Ayos ka lang? Bat ka namumutla? Heto, kumain ka muna Jerome" pilit ko s'yang inaalok pero hindi nya ako pinapansin kaya sinubuan ko nalang sya.

Hindi ko alam kung anong problema nya. Ayaw nya ba ng mga movies na kinuha ko sa CCTV?

~Luna

of wishes and whispers to the moonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon