36

4 0 0
                                    

Pinky Promise

"Don't leave me" I said out of the blue to my boyfriend, Jayson. Lumingon naman sya sa akin dahil sa sinabi ko at saka natawa.

"Ano bang sinasabi mo d'yan? Syempre naman." He just giggled. Pinaningkitan ko sya ng mata.

"Let's have a pinky promise! kapag hindi mo talaga tinupad puputulin ko daliri mo!" Tinawanan nya lang ako, saka niyakap.

"Kahit putulin mo pa lahat ng daliri ko, hahaha I love you."

And we made a pinky promise that we won't leave each other and that only death can separate us.

"TAMA NA HANNA! parang awa mo na, p-patayin mo nalang ako"

Naningkit ang mga mata ko sa sinabi nya kaya nilagay ko nalang muna sa gilid ng mesa ang dalawa nyang hinliliit na daliri na pinutol ko.

"Pero s-sabi mo hindi mo ako iiwan? Nag- pinky promise pa nga tayo diba? S-sabi mo pa nga k-kahit putulin ko pa ang lahat ng mga daliri mo kapag hindi ka tumupad eh" And there, I bursed into tears.

Hindi sya tumupad sa pangako nya at gusto nyang makipaghiwalay sa'kin dahil may bago na s'ya kaya naman pinutol ko na ang daliri nya para hindi na s'ya makapangako pa. Tiningnan ko ulit ang kutsilyong hawak ko at puno na iyon ng dugo.

"Pero noon yun Hanna! Hindi na kita maha--- ahhhhhhh" Hindi na nya natuloy pa ang sasabihin nya ng bigla kong putulin ang isa pa nyang daliri.

Dalawang hinliliit lang naman ang balak ko kaso naalala ko na sabi nya kahit putulin ko pa daw ang lahat ng daliri nya kaya naman sinama ko narin ang lahat ng mga daliri nya, pati narin ang nasa paa. Sabi nya lahat daw eh, I'm just giving him the favor right?

Binilang ko ang mga daliri na nakolekta ko. twenty! Pero may kulang pa...

"Only death can separate us, Jayson. See you again, love.... at hell"

~Luna

of wishes and whispers to the moonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon