8

5 0 0
                                    

Hayaan mong imulat ko yaring bayan
Sa sarili nitong kahibangan
Dahil sadyang nakakasuklam ipagdiwang
Ang kalayaang hindi naman natin nakamtan.

Pilipinas, nakalaya na nga ba?
O ang lahat ay palabas lang ng medya?
Marahil iyong posas ay nawala na
Dahil ang ipinalit nga'y hindi nakikitang kadena.

Hindi alipin ng mga banyaga
Ngunit alila ng sariling bansa.
Gobyernong tanga kung mamalakad
Mamamayang nagmamarunong wala namang ambag.

Ang sigaw mo'y 'bulok na sistema'
Pero ang halaga ng iyong balota
Ay limangdaan galing kay mayora.

Teka, narito rin ang mga pulitiko
Na nangako ng pagbabago
Pero nagka-amnesia't nabagok ata ang ulo

Teka, may pulis, may pulis sa ilalim ng tulay
Anong puting gamot ang nasa kamay?
At ngiti sa labi na animo'y nagtagumpay?

Eto ba ang bansang malaya?
Dahil kung eto nga ang basehan ng kalayaan
Ayaw ko nang maging malaya.

Eto ba ang bansang malaya?Dahil kung eto nga ang basehan ng kalayaanAyaw ko nang maging malaya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•photos not mine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•photos not mine. Credits to the rightful owner.

Source: Pinterest

~Luna

of wishes and whispers to the moonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon