"Patawad"--bigkas ng isang nagkasala
Pero matapos bitawan ang kanyang salita
Ay inulit na naman pagkakamaling nagawa
At mas piniling gawin ang Mali kesa sa TamaHindi ba't dapat sa pagkakamali tayo ay natututo?
Eh bakit iba ang pinapakita ng mga tao?
Imbis na ituwid ang pagkakamaling nagawa
Ay uulit pa na parang limut na kung ano ang tamaAt sa sandaling iyon
Ay dinurog ako ng isang reyalisasyon
Na salitang "patawad" pala ay isang lisensya
Para paulit-ulit gawin ang pagkakamaling nagawa na."Patawad" "patawad" "patawad"
Patawad pero mamulat kana sa reyalidad
Hindi ito isang pantasya
At hindi pwedeng palaging ikaw ang tamaItulad nalang natin sa isang relasyon
Na pagtitiwala ang syang pondasyon
Paano magtatagal kung paulit-ulit
Kasinungalingan at kasalanang nagdudulot ng lumot at sakit?Gusto ko lang ipaalala sayo
Na hindi sa lahat ng panahon
ay mabibigyan ka ng pagkakataon.•photo not mine. Credits to the rightful owner.
Source: Pinterest
~Luna
BINABASA MO ANG
of wishes and whispers to the moon
Randomand the moon hears my cries, and wipes my tears. and it stays on my darkest nights, when no one else did.