TWIN
Ever since bata palang ako hanggang ngayon ay tampulan pa rin ako ng tukso nang dahil sa malaking peklat na nasa left side ng mukha ko.
"Lumipat ka nalang ng course! Nakaka-irita ka tingnan, tse!"
"Wag kang dumikit sa akin, baka mahawaan pa ako ng peklat mong mas malaki pa sa palad ko!"Tumakbo ako papuntang C.R matapos marinig ang mga salitang iyon sa mga kaklase ko. Ni-lock ko ang pinto para ma-solo ko ang lugar saka pumasok sa isang cubicle at doon iniyak ang lahat lahat.
"Mia? Wag kana umiyak" Nag-angat ako ng tingin sa boses na iyon.
Nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa katawan dahil ang alam ko'y mag-isa lang ako dito at ni-lock ko ang main door ng c.r! Nag-panick ako.
"W-woi! Sino ka?! pano ka nakapasok?"Tinawanan lang ako nito at pinakita ang isang susi! kaya naman pala! P-pero may isang bagay pa, bakit magkamukha kami? Wala akong kapatid o kambal!
"Kambal mo ako, Mia. Ako ai Lia. Pero sekreto lamang iyon. Tutulungan kita sa mga nangaaway sayo"
NAGISING ako sa isang puting unfamiliar na kwarto. Sinubukan kong umupo pero hindi ako makagalaw kaya tinabingi ko nalang ang ulo ko para malaman kung nasaan ako, nilapitan ako ng isang babae.
"Gising kana pala, Mia. Kamusta?" Kaswal na tanong nito. Nangunot ako ng noo.
"N-nasan ba ako?""Mia, naaalala mo ba ang mga ginawa mo? Nakapatay ka ng mahigit kwarenta na estudyante, mga kaklase mo."
"Ha?! W-wala akong pinapatay!" Wala! Wala naman ahhh? Wala akong maalalang ganon!
T-teka... Si Lia! Tama, sya ang gumawa! h-hindi ako.
"Si Lia! Sya ang gumawa! Bakit ako ang hinuli nyo?!" Sinubukan kong gumalaw pero hindi ko magawa.
"Lia? Sino si Lia, Mia? Ang sabi ng mga pulis ay mag-isa kang naabutan sa scene of crime at papunga palang dito ay binabanggit mo na ang pangalan na iyan"
"S-sabi nya kambal ko daw sya... T-tutulungan nya daw ako sa mga nangaaway sakin! pero hindi ko naman alam na ganito pala" Tumango-tango ang babae sa sinabi ko na para bang hindi naniniwala. Bakit ba kasi ako ang pinagbintangan?!!
Pumasok ang dalawang lalaking naka-unipormeng pulis. Nilapitan nya ang mga ito at may sinabi...
"Confirm, sir. Mia is suffering from Schizophrenia. Akala nya meron syang kakambal but the real is nasa utak nya lang ang lahat ng iyon ng dahil sa depression"
~Luna
BINABASA MO ANG
of wishes and whispers to the moon
Randomand the moon hears my cries, and wipes my tears. and it stays on my darkest nights, when no one else did.