5

5 0 0
                                    

Tila kayo ay naliligaw?
Masdan, palubog na ang araw.
Halikayo't tumuloy sa aking tahanan,
Baka kayo'y mapahamak sa daan.

Tahanan ko'y hindi kalakihan
Sana ay mapag-tyagaan.
Pasensya na kung medyo maalinsangan,
Ako kasi ay nagluluto ng hapunan.

Tuloy, wag nang mag-alinlangan,
Sandali't pinto'y akin lang kakandaduhan.
Saglit na lang at maluluto na ang hapunan,
Ito'ng pulang alak muna ang inyong pagpasa-pasahan.

Isang lagok lamang ang kailangan,
At talukap ng inyong mga mata'y kayo'y pagtataksilan.
Hala,sige! Inyong pagpasa-pasahan,
At kayo'y magiging kasangkapan sa aking masarap na hapunan.

Ipikit yaring mga mata,
At ika'y matutulad sa mga naunang bisita
Sa iyong pag-idlip, ika'y aking tinatadtad
Hindi na muling magmumulat, ika'y ihahain na sa hapag.

Ipikit yaring mga mata,At ika'y matutulad sa mga naunang bisitaSa iyong pag-idlip, ika'y aking tinatadtadHindi na muling magmumulat, ika'y ihahain na sa hapag

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•photos not mine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

•photos not mine. Credits to the rightful owner.

Source: Pinterest


~Luna





of wishes and whispers to the moonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon