~~
Tulog sa umaga,
Gising sa gabi.
Ang ngalan ko'y Mariya
Na mas kilala bilang Magda.Pinandirihan,
Nilait, hinusgahan.
Isang puta, salot sa lipunan
Dala'y halo-halong laway ng mga kalalakihan.Kapit sa patalim
Kung ito'y aking ituring
Dangal ay handang dungisan
Dahil sa matinding pangangailangan.Ako'y hinusgahan
Nang hindi man lang inaalam
Ang aking dahilan
At tunay na kalagayanHala, sige! Kembot
Gumiling kahit na walang saplot
Sa lugar na ang ilaw ay patay sindi
At iba't ibang mga mata ang nagpi-pyesta sa maselan na parte~~
Sa kabilang banda,
Ako rin ay isang mariya
Kilala sa kapurihang dala
Kung tawagin ay ClaraIsang dalagang pilipina
Dalisay mula ulo hanggang paa.
"Tularan s'ya" ang sabi nila.
Pero dapat nga ba?"Tama na ang pagpapanggap Clarita!"
Natatakpan nga ng mga makakapal na tela
Pero hubo parin sa mata
Ng mga nakakakilala.Hanggang saan aabot ang kahibangan,
Para sa pag-ibig na lumisan?
Itinago ang sarili sa kumbento
Para pagtakpan ang sariling baho.Sa pagaakalang tuluyan na ngang lumisan
Ang minamahal na kasintahan
Hindi alintana ang bata sa sinapupunan
Kinitil dalawang buhay ng walang alinlangan.
~~
•photos not mine. Credits to the rightful owner.Source: Pinterest
~Luna
BINABASA MO ANG
of wishes and whispers to the moon
Randomand the moon hears my cries, and wipes my tears. and it stays on my darkest nights, when no one else did.