Maraming beses kang sumugal sa pag-ibig pero maraming beses ka ring nabigo sa larangan ng magkaparehong kasarian.
Maraming tao ang naniniwala na walang magkaparehong kasarian ang tumatagal sa kanilang binuong pagmamahalan pero patuloy ka pa ring naniniwala sa iyong sarili na maling mali sila kanilang pinaniniwalaan.
Hindi kailan man pumasok sa isipan ko na nasa tabi ko lang pala ang lalaking maghahandog sa akin ng wagas at tunay na pag-ibig.
Ako si Jeffrey Evanghilista, 25 taong gulang, matangkad sa taas na 5'11 talampakan, maputi, matangos ang ilong, maputi at pantay-pantay ang mga ngipin, flat ang tiyan na may 6packs abs dahil sa paminsan minsang pagpunta sa gym kapay may extrang panahon.
Katamtaman lang ang aking katawan at maraming ang nagsabi na gwapo raw ako pero sayang daw dahil lalaki din pala yung gusto ko sabi ng mga kaibigan kong nakakakila sa tunay kong pagkatao.
Ilang taon ding hindi magkaanak ang mga mag asawang umampon sa akin buhat pa nang sila ay ikasal, maraming beses na nilang sinubukan na makabuo pero sa bandang huli ay bigo pa rin sila.
Iyong ang nagtulak sa kanilang dalawa na pumunta sa bahay-ampunan para mag-ampon ng sanggol,sa dami dami ba ng batang pagpipilian na ampunin ay isa ako sa kanilang mapalad na napili para ampunin gawa ng naaliw sila masyado sa pisikal na kaanyuan ko.
Inampon nila ako sa legal na proseso subalit ilang buwan pa lang ang lumipas ay nagdadalangtao na ang aking Ina.
Nang ako ay nasa 6 na taong gulang habang si Samuel naman ay nasa limang ay napansin kong Ibang iba ang kanilang pagtrato sa akin kaysa kanilang tunay na anak dahil kapag bibilhan nila si Samuel ng laruan, damit, pagkain at iba pa ay siya lang at di ako kasali.
Lahat ng mga gawaing bahay ay sa akin lahat nakaatang at di nila pinapayagan si Samuel na magtatrabaho dahil ayaw nilang mapagod ang nag-iisang nilang anak.
Kahit na ganun ang pagtrato nila sa akin ay ipinagwawalang bahala ko na lamang ang mga iyon sa halip na aking itong dibdibin.
Kaunting pagkakamali ko lang ay palo na agad ang inaabot ko sa aking itinuring na ina o di kaya ay sa aking itinuring na ama.
Hirap na hirap nako sa mga gawaing bahay at mabuti na lang ay palihim akong tinutulungan ni Samuel kapag wala sila sa bahay kaya gumagaan ng kaunti ang gawaing pambahay.
Kapag naman pinapalo nila ako dahil lang sa maliit na bagay ay Samuel din ang palaging pumipigil sa kanyang mga magulang kaya hindi na natutuloy ang kanilang balak na pagpalo sa akin dahil inihaharang niya talaga ang kanyang katawan para di na matuloy ang pagpalo sa akin.
Kapag hindi ako pinapakain nila dahil lang sa maliit na kasalanang nagawa ay si Samuel palagi ang nagtatabi ng pagkain at inilalabas niya lamang ito kapag tulog na sila.
Kapag may umaaway sa akin ay si Samuel palagi ang nagtatanggol sa akin kaya dahil doon ay naging matalik kong kaibigan at kapatid si Samuel.
Tanging si Samuel lang ang naging kakampi ko noon hanggang sa kasalukuyan, dahil doon ay itinuring ko siyang tunay na kapatid at matalik na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Ang nakakapasong nararamdaman ni Samuel sa kanyang kapatid na Legal Adopted
RandomAng kuwentong inyong matutunghayan ay Rated SPG, ito ay storya ng isang binata na si Jeffrey na lihim na nagtatago sa katauhan ng babae. Maraming beses na siyang nagmahal pero maraming beses na ring ginamit napaglaruan,naparausan, nasaktan at iniwa...