#4: Paglalasing

810 19 0
                                    

Kinagabihan ay di umuwi sa Samuel sa aming pad matapos naming magtalo kahapon nang lakas loob niyang inamin sa akin ang kanyang tunay na nararamdaman.

Tinext ko siya pero walang reply, tinawagan ko siya pero walang sumasagot. Ilang oras pa ang lumipas ay may sasakyan na huminto sa tapat ng aming Pad at ng dumungaw ako sa balkonahe ay nakita ko si Samuel na akay akay ang isang babae na kahalikan niya bago ito tuluyan pumasok sa gate.

Nainis ako sa aking nakita, para bang naseselos ako pero napag-isip isip kaagad kong bakit naman ako magseselos eh di naman naging kami kaya lang biglang bumigat yung pakiramdam ko kanina ng makita ko silang naghahalikan.

Nang nakapasok na siya sa loob ay tinanong ko siya agad kong bakit siya naglalasing eh di naman talaga siya umiinom.

"Samuel, mag usap nga tayo, bakit ka ba naglalasing eh sa pagkakaalam ko eh di ka naman dating umiinom... Ano ba talagang problema mo? ", galit na tanong ko.

Pero di niya ako sinagot sa halip ay agad agad itong tumihaya sa kama at agad itong nakatulog nang mahimbing.

Kinaumagahan ay maaga itong pumasok sa paaralan na di man lang ako hinintay, nakasanayan ko na kasi na magkasama kaming nag aalmusal at pumapasok sa paaralan dahil nga pareho yung kurso at subject namin.

Lumipas pa ang maraming araw na hindi naging maganda ang turingan namin sa isat isa dahil ayaw niya akong kausapin.

Isang gabi ay di siya umuwi sa aming pad at di ako mapakali kung nasaan siya. Bigla akong nakaramdam ng pananabik sa kanya at biglang umusbong ang damdaming binabalewala ko simula ng hindi ako kinakausap ni Samuel.

Napagpasyahan ko na bukas ng gabi ay aayusin ko ang aming gusot, at lalakasan ko ang aking loob na ipagtatapat sa kanya na mahal ko rin siya.

Nang sumapit ang gabi ay umuwi na naman siya sakay sa ng isang sasakyan at nakita ko sa bintana na akay akay siya ng babaeng ubod ng seksi at kahalikan siya bago tuluyang pumasok sa gate.

"Samuel, ginabi ka na naman sa pag-uwi at kasama mo na naman yung babaeng naghatid sayo, sino ba siya at bakit ka niya hinahalikan", tanong ko sa kanya.

"Ano bang pakialam mo... At saka ano mang gusto kong gawin sa buhay ko ay wala ka ng pakialam doon,wala na rin akong pakialam sayo ano mang gawin ng mga itinuring mong kasintahan pero ang totoo ay ginamit ka lang pala nilang parausan..... Hahahaha"... Pang-aasar niya sa akin.

Nasampal ko siya nang malakas nang hindi ko namalayan. "Eh gago ka pala eh, oh ito pa... Sampalin mo pa ang mukha ko... Ang kapal ng mukha mo, pati personal na buhay ko ay pinakialaman mo... Eh kung hinahalikan man ako ng babaeng naghatid sa akin eh ano bang pakialam mo.. Nagseselos kaba? ",galit niyang turan sa akin.

" Oo nagseselos ako!.... Huhuhuhu...Nagseselos ako dahil mahal pa pala kita... Ayaw kong tuluyan ka ng mawala sa piling ko Samuel.... Huhuhuhu", humahagolgol kong wika matapos kong aminin sa kanya na mahal ko rin siya.

Ang nakakapasong nararamdaman ni Samuel sa kanyang kapatid na  Legal AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon