#11: Tuluyan nang Nahabag

674 14 0
                                    

Ilang araw nang nagbago ang pakikisamuha ni Samuel sa akin at kay Brando. Tuluyan na akong nahabag sa kanya nang maghalinhinan sila ni Brando sa pag-aalaga sa akin nang minsan ay magkaroon ako nang mataas na lagnat hanggang sa bumalik na ang magandang samahan naming dalawa.

Nang tuluyan na akong gumaling ay nabawi ko na ang sigla ko. Kasalukuyan ako noong nagluluto ng ginataang sari saring gulay. Katukatulong ko siya nang mga panahon na iyon nang di ko sinasadya na matalsikan siya ng tubig habang iniaabot ko sa kanya ang palanggana na may lamang malinis na tubig.

"Aha! ...gusto mo pala ng patalsikan ng tubig ha... Hito ang sayo", sabay salok ng tubig ng kanyang kamay sa palanggana at itinapon ito sa damit ko. Tumakbo ako nang tumakbo habang tumatawa.

Bigla kaming nahuli ni Brando na masayang naghahabulan at nagsasabuyan ng tubig ni Samuel, tawa ako nang tawa habang tumatakbo. Agad ko na lamang nakita ang kanyang mga nanlumong mga mata buhat ng makita niya ang pagmamabutihan ulit namin ni Samuel.

Naging matamlay siya at walang gana na sumama sa amin ni Brando na gumala at mamasyal. Madalas nauuna na siyang kumain sa aming tatlo.

Nalungkot man ako sa kanyang ikinikilos ay naging masaya naman ako sa aming pagkakaayos ni Samuel.
Isang gabi ay inumaga siya na nakauwi ng bahay gawa ng pakikipag inuman niya sa kanyang mga tropa.

Habang kami naman ni Samuel ay nagkayayaan na mag-inuman.

"Jeffrey, gusto mo mag inuman tayo ng beer? matagal tagal na rin kasing di kita nayaya sa inuman, gusto ko lang sanang bumawi sayo....hehehehe",sagot niya.

"Ganun ba, cge ah, matagal tagal na rin akong hindi nakainom... Oh heto na yung pera"sabay abot sa akin ng pera.

Pagkalipas ng ilang oras ay dala dala ko na ang 2 malaking beer at masayang masaya kami na nag-iinuman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 17, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang nakakapasong nararamdaman ni Samuel sa kanyang kapatid na  Legal AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon