#3: Pagtatapat

852 18 0
                                    

Nang sumapit ang pasukan ay nahikayat ni Samuel ang aming magulang  na makapag enroll kami sabay sabay sa kolehiyo.

Pumayag na rin lang sila na sa parehong paalaran ako nila ipapaenrol para may kasamang mag asikaso kay Samuel sa Pad na aming tutuluyan.

Buwan ng Octobre ay Masayang masaya ako dahil niligawan ako ng aking crush na si Roland na kaklase ko sa isang subject. Nasa kanya na rin kasi lahat ng hinahanap kong katangian ng isang lalaki.

Subalit isang buwan pa lamang ang nakalipas ay nakipaghiwalay na sa akin si Roland dahil nabuntis niya ang kanyang gf.

"Jeff, ito na yung huling araw ng ating pagkikita... Tapusin na natin ito, hindi nako maligaya sa piling mo, hindi ako karapat dapat sayo, at saka nagkabalikan na kami ng dating gf ko", sabay umalis sa aking harapan.

Labis akong nasaktan sa aming paghihiwalay dahil inakala ko na ibang iba siya sa mga lalaking naging karelasyon ko dati.

Agad akong umuwi sa aming Pad at doon ko inilalabas ang sama ng aking loob. Iyak ako ng iyak hanggang sa naabutan ako ni Samuel na humahagolgol  sa habang nakahiga sa aking kama.

"Oh, umiiyak ka na naman ba Jeff? Hiniwalayan ka na namn, jowa mo noh... Sinabi na kasing huwag na munang seryusuhin ang pakikipagrelasyon eh ayaw mo kasing maniwala sa akin.

"Eh bakit pa kasi  ka hanap ng hanap ey nasa eh nasa malapit lang naman yung taong matagal ng nagmamahal sa iyo na palagi mo lang binalewala.

"Ano bang ibig mong sabihin Samuel.... Huhuhuhuhuhu....... ". Tanong ko.

" Wala ka bang napapansin sa lahat ng mga ikinikilos ko at sa lahat ng mga kabaitang ipinapakita ko sayo, manhid ka bang talaga Jeff? ", galit na tanong niya sa akin.

" Ano bang ibig mong sabihin, ikaw? Mahal mo ako, hindi ka ba kinikilabutan dyan sa iyong mga pinagsasabi Samuel.... Magkapatid tayo... At di man kita kadugo ay itinuring na kitang tunay na kapatid at aking tagapagtanggol", sambit ko sa kanya.

Ang nakakapasong nararamdaman ni Samuel sa kanyang kapatid na  Legal AdoptedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon