Bumalik nako sa bahay. Pero kahit papano, gumaan na rin pakiramdam ko dahil nga nakausap ko si kuya. Pagkapasok ko ng bahay, nakita ko si mommy na mukhang nag-alala ng sobra. Pero, nandun parin si tito Jeremy at si Yuan.
Biglang tumayo si mommy “Lexi, sann ka nagpunta?! Alalang alala kami dito oh”
“um, nagpahangin lang po.”
Hindi ko na sinabi na nakausap ko si kuya. Kasi kung sinabi ko, sinong maniniwala diba? Baka mamaya, dalhin pa nila ako sa mental eh.
Biglang tinanong ako ni Yuan…
“ Lexi, ok ka lang ba?”
“ ok lang ako. Wag mo na kong intindihin pa”
“sigurado ka ba? Wala ka bang kailangan? Gusto mo, tulu….”
“sabing ok lang ako diba? Kaya wag mo na kong intindihin pa. di kita kuya. Kaya di ko kailangan tulong mo. Ok?”
“Lexi, wag kang magsasalita ng ganyan kay Yuan. Sa ayaw at gusto mo, kasama na siya sa pamilya. Kaya kailangan mo siayng tratuhin na parte ng pamilyang ito. Naiintindihan mo ba?”
Di nako sumagot pa. nag walk out nalang ako.
“pagpasenyahan mo na si Lexi Yuan ah. Wag kang mag-alala. Kakausapin ko siya.”
“ok lang po yon tita. naiintindihan ko naman po ang pinagdadaanan ngayon ni Lexi. Alam ko po na mahirap po sa kanya na magtanggap ng bagong kuya sa buhay niya. At dahil doon, kailangan nya ng panahon para makapagisip. Pero, gagawin ko po ang lahat para matanggap ako ni Lexi”
“ salamat Yuan at naiintindihan mo si Lexi. Wag kang mag-alala. Tutulungan ka naming ng papa mo”
“salamat po tita !!”