CHAPTER 8

38 0 0
                                    

Habang  palakad-lakad sila teacher at Yuan papunta sa classroom niya, kinausap muna siya ng teacher.

“ ano pangalan mo?”

“ uh. Yuan Moreno po.”

“ah. Mr. Moreno, alam mong second semester na diba? Bat ka pa lumipat ng school?”

“ para po makasama ko po yung magiging kapatid ko. And hopefully, maging ok na kami.”

“ano bang pangalan ng kapatid mo?”

“si Alexandra Dimaano po. 1st year student.”

“ahhhh. Si Lexi?”

“opo”

“sandali, Moreno, Dimaano, hindi kayo magkaparehas ng apilyedo. Half sister mo sya?”

“opo. Um, magiging half sister palang po. Engaged palang po kasi  yung papa ko sa mommy niya”

“  ah…bakit? Di ba kayo ok ngayon?”

“ hindi po eh. Ayaw po niya kasi ako tanggapin bilang bago niyang kuya. Iniisip niya kasi na pinapalitan ko yung kuya niya”

“sino? Ahhh… si Onyx. oo. Naiintindihan ko na. natatandaan ko nga noon, buong school, nagluksa sa pagkamatay niya. Pero, ang pinakanasaktan, si Lexi. Dahil nga sa sobrang sakit na nararamdaman niya, nag-absent siya ng mga ilang lingo. Nung pagkabalik niya ditto sa school, nag-iba na siya. Di na siya nakakapag focus sa mga studies niya, di siya sumasagot sa mga recitations, palagi siyang bagsak sa mga exams at quizzes, pati naging emo na siya sa klase”

“ah…. Mmmmm…. Ano po masasabi niyo kay Onyx?”

“ mabait siya. Mabait na bata, mabait na student, mabait na kaibigan. Pero, higit sa lahat, mabait siyang kuya. Mas lalo na kay Lexi. Talagang inuuna niya muna si lexi bago ang lahat. Nalala ko nga noon, may girlfriend si Onyx. Pero, di sila nagtagal.”

“bakit po?”

“kasi, mas inuuna ni Onyx si Lexi kaysa yung girlfriend niya. Kaya nga, proud na proud dati si Lexi na tawgin si Onyx na “ Big Bro”

“wow!!! Hangang hanga na ako kay Onyx. Sana maging katulad ko rin siya at Makita rin ni Lexi na wala akong intension na palitan ang kuya niya. Gusto ko lang maging pangalawang kuya niya ko.”

“ hayaan mo. Makikita niya yan kapag pinakita mo sa kanya”

“paano ko po mapapakita eh di nga niya tinitignan? Di pa nga kami nakakapagusap tungkol dun. Paano pa naman kasi. Palagi akong dinededma.”

“hmmmm….. ah! Alam ko na kung paano kayo makakapagusap ni Lexi!”

“talaga cher ?! paano?”

“ganito *wushuwushuwushuwushuwshu* ano? Ok ba?”

“ sige po cher…… ummmm....”

“ teacher Joyce”

“cher Joyce. Thank u po !!!”

My Big BroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon