Home
"COLLEEN, hija kumain kana.." pakiusap ni Aunt Radda. Nakakatatlong balik na ito sa silid n'ya para pilitin siyang kumain ngunit wala talaga s'yang gana. Kadalasan nga ay bigla na lamang s'yang nagigising sa kalagitnaan ng pagtulog at hahanapin ang binata.
" I want him, Auntie." nanubig na naman ang kaniyang mga mata." I want to see him, to hear his voice, to hug him. Gustong gusto ko po talaga." isinubsob n'ya ang mukha sa mga kamay at doon tuluyang umiyak.
Aunt Radda hushed her." Hija, babalik si Demetrius. Babalik s'ya sa atin."
"But it's been a week, Auntie. Nawawalan na ako ng pag-asang hanapin s'ya. Hanggang ngayon wala paring balita sa mga tauhan ninyo, even his friends didn't know about his wherebouts."
Pakiramdam n'ya ay mababaliw na s'ya sa pag-aalala, she was thinking if he is okay. Nalaman pa n'ya sa mga kasamahan nito na may tama ang binata nang nagpumilit itong umuwi.
She is worried sick. Wala ng bagyo ngunit wala man lang hint kung nasaan ang binata, kung maayos ba ang kalagayan nito. Wala s'yang ibang ginawa kundi umiyak at ipagdasal na sana umuwi ito sa kaniya.
"Colleen, 'wag kang mawalan ng pag-asa. Mahahanap natin si Rius. Hindi susuko si Tyra hangga't hindi n'ya ito nahahanap."
Umiling s'ya." I don't have any news about him. Auntie, paano kung walang gumamot sa sugat n'ya, paano kung—"
"Hija, manalig tayo, babalik s'ya sa atin. Now, eat already. Makakasama sa baby ang ginagawa mo, tiyak na papagalitan ka ni Demetrius kapag pinapabayaan mo ang sarili mo."
She bit her lower lip preventing herself from crying too much. Pagod na pagod na ang mga mata n'ya at nais n'yang pagalitan ang sarili sa pagiging pabaya, hindi man lang n'ya namalayan na napapabayaan na n'ya ang anak n'ya.
Nang makaalis si Aunt Radda ay kaagad n'yang hinaplos ang impis na tiyan.
"Anak, forgive Mommy, huh? Miss na miss ko na talaga ang Daddy mo. Sana bumalik na s'ya sa atin, sana bumalik na s'ya sa 'kin." she whispered.
Pinunasan n'ya ang luha at nagsimulang kumain, she cleaned herself at bumaba na kung saan naabutan n'yang nag uusap si Tyra at ang mga kaibigan ni Rius.
"Colleen, nandyan ka pala." wika ni Damien nang mapansin s'ya.
"Anong balita? May lead na ba?"
"Kasama n'ya si Ryunivv no'ng umuwi sila dito, sa pagkaka-alam ko ay may dinaanan sila sa Masbate kaya sila nandoon. I don't know what exactly happened pero tingin ko naman nakaligtas sila." wika ni Russel.
"Hangga't hindi pa nahahanap ang katawan nila ay 'wag tayong mawalan ng pag asa. Malalakas ang mga iyon, those fuckers are still alive." Lucifer stated in assurance.
Azi tapped her shoulder." Kaya alagaan mo ang sarili mo, mapapatay kami ni Augustus 'pag nalaman n'yang pinapabayaan ka namin."
"Sana hindi nalang muna s'ya nagpumilit umuwi, hindi sana mangyayari 'to." nais n'ya tuloy sisihin ang sarili sa nangyari.
"You know him, matigas din ang ulo no'n. Hindi na nga kami naka-alma no'ng sumakay na s'ya sa chopper at nag pumilit na umuwi dito. He didn't even treated his wound, matigas talaga ang bungo ng taong yon." naiiling na wika ni Damien.
"Augustus, the hardheaded." Khaleb said.
Dahil na rin sa pagbubuntis nya she decided to be homeschooled, Atty. Cameron Cadenza assigned to bring her some notes at ito na rin ang nag tuturo sa kaniya ng higit dalawang oras.
No wonder why everyone likes him, aside from being serious all the time he has the perfect and handsome look. And he is really good at teaching, sanay ring humandle ng mga pasaway na estudyante. Mabuti nalang at ito na mismo ang nag presentang tumutok sa pag-aaral n'ya.
BINABASA MO ANG
DUSK TILL DAWN [Devil's Obsession Series 1]UNDER REVISION
Tiểu Thuyết ChungDEMETRIUS AUGUSTUS is a man who has everything that every girls wished for. Looks, wealth and fame. He is known for being ruthless in the business world. He spent his whole life running down the business and following his father's orders. That's why...