Prologue

158 14 19
                                    


Prologue

    

    Kelan ba ako makakaalis sa mabaho at magulong lugar nato? Tsk.

"Vlair ano ba? Sinabi ng bilisan mo na e!" Kahit kelan talaga yung batang yon.

"Wait lang po ate vel palabas napo ako" Naghanda nako nung nakita kong palabas na ang kapatid ko.

"Akin na yang bag mo ako na magdadala mapapagod ka maglalakad pa tayo" Bakit ba kase ang dami nyang dalang libro e hindi naman ata lahat nagagamit. At tsaka isa pa, grade 3 palang sya. Ang bigat bigat tuloy tsk.

Sinimulan na naming maglakad ng kapatid ko papunta sa school nya, kailangan ko pa siyang ihatid bago ako pumasok kahit pa malate ako, wala naman kasing ibang magaabyad sa kanya kundi ako. Pero ok lang yon! Wala din naman akong pake kahit malate ako kayang kaya kong humabol.

"Ate dito nalang po ako pumasok kana po baka ikaw pa ang malate" Sabi ni Vlair nung makarating kami sa tapat ng maliit nyang school.

"Sige magiingat ka ha? Magaral ng mabuti. Yung pagkain mo ubusin mo ok? Hayaan mo pag nagkapera si ate bibilhan kita ng masarap na baon" Nginitian ko ang nakababata kong kapatid.

"Sige po ate ikaw din magiingat ka" Ngumiti din sya sakin ng sobrang laki. Pero hindi parin non naitago ang lungkot sa mukha ni Vlair. Inayos ko nalang ang pagkakasuot nya sa bag nya tapos ay tumalikod nako at naglakad paalis.

Pawisan nako ng makarating ako sa gate ng school ko. Bago ako pumasok ay inilabas ko muna ang salamin, pulbo at lipstick ko tsaka ako nagayos. Pinunasan ko din ang pawis ko at inayos ang buhok at uniform ko. Pagkatapos ay lumakad ako papasok na parang isang modelo. Walang tumitingin sakin, hindi dahil ayaw nila sakin at mas lalong hindi dahil panget ako. Kundi dahil natatakot sila sakin. Mangilan ngilan lang ang nakakatingin sakin ng deretso sa mata at ang iba ay nagtransfer na ng school matapos kong sirain ang mukha. Ayoko sa lahat ay yung tinitingnan ako lalo na sa mata na para bang kinikilala nila yung buong pagkatao ko.

"Oh my God, she's here na let's go girls"

"Pare tara na"

"Tol ang angas nya talaga noh?"

"Huhu girls ang creepy nya talagaaaa"

Tangina itong mga babaeng ito akala mo ang gaganda muka namang lamang lupa. Pwe! Makapaginarte e pareparehas lang naman kaming nasa public school, mahirap, at nakatira sa panget at mabahong lugar. Ang pinagkaiba lang maaayos ang bahay nila at may pamilya sila. Tss , walang may pakealam d ko naman kailangan ng pamilya. Kaya kong buhayin ang kapatid at sarili ko.

"Hoy velvet ano kaba kanina pa kita iniintay malelate na tayo tara na sa room" Tiningnan ko lang sya ng nakakunot ang nuo.

"Ah..eh..ano kase vel..tara na nga kase padating na si ma'am" Tsk, kelan ba sya titigil kakatawag sakin ng velvet. Kung pwede ngalang magpalit ng pangalan e ginawa ko na at isusumpa ko yung nakaisip ng letcheng velvet na yan.

Tumahimik ang buong classroom nung pumasok kami ni Kish. Pero nung nakaupo nako ay nagpasimula naman sa ingay si Kish kaya para nanaman akong nasa palengke. Punyetang mga bunganga ansakit sa tenga hayop! Bakit ba kase antagal ng lintik na teacher na yan.

"Good morning class" pumasok si Jollibee na may kasamang french fries. Este si tanda pala may kasamang lalake na payat at mukang lampa. Tss , kahit naman wala akong masyadong makain hindi naman ako ganyan kapayat. Parang isang batok ko lang mangangalas na e tsktsk.

"So today , Hindi muna ako magkaklase kase may inaabyad ang mga faculty members..."

" Woooooooooh buti nalang"

"Ayown salamat naman"

"Ano pang iniintay nyo klasmeyt tara na!"

"Yeeeees makakapangchicks pa tayo mga pre"

Nagsigawan ang mga kaklase ko na kinapikon na nanaman. Kingina talagang iingay nitong mga ito peste! Akala mo laging mga nakawala sa hawla tss.

"ANO BA KAYO? HINDI PAKO TAPOS MAGSI UPO MUNA KAYO! MGA WALA TALAGA KAYONG GALANG" Napakatagal pa kase d nalang sabihin ang sasabihin at lumayas na ng makaalis narin ako. Inis na inis nako at konti nalang masisipa ko na itong bangko sa harap ko papunta sa matandang Jollibee na yon.

"Bago ako umalis ay ipapakilala ko muna sa inyo si Donnale Pacho , from now on dito na sya papasok sa klase ko and be nice to him ok?" Pwe! Ang bantot ng pangalan. Para pang gago panay ang yuko akala moy walang mukha!

"God sis ang gwapo naman nya"

"Wait sis tingnan mo nga yung mukha ko? Ok ba? Maayos ba? Fresh bako?"

"Waaaaaah ang cute naman nya"

Tangina anong gwapo at cute diyan? Muka ngang balot e tss kadiri. Katawan palang parang kahit ako kayang kaya syang pisain na parang langgam. Muka namang may kaya kasi maputi at makinis pero bat ganyan yan? Bahala nga sya makatulog nalang. Sinubsob ko nalang yung ulo ko sa armchair ko *yawn*

"Ok Mr. Pacho pwede ka ng maupo pili ka nalang sa mga vacant sits"

Unti unti nakong hinihila ng antok ng biglang

*Blaaaaaaaag!

Kingina naman talaga oh! Ano ba yon? Pagkaangat ko ng ulo ko natigilan agad ako ng makitang may nakadapa sa may paa ko. Napakalampa nga naman oh! Ano pang tinutunganga nya? Bat nakikipagtitigan pa sya sa sahig? Bat d pa sya tumayo? Tanga ba sya o Bobo? Mukha syang gago sa itsura nya tss. Nakakabwesit talaga!

"Alisin nyo nga sa harap ko yan punyeta napakalampa!" Pag d pa sya umalis diyan sisipain ko sya paalis.

"Ah..hi po tulungan na kita?" Niyaya sya ni Kish tumayo pero hindi sya kumibo. Nag angat lang sya ng tingin at saktong nagtama ang aming paningin. Ako naman ay natigilan. Anong klaseng mata ang meron sya? Bat parang napakalamig ng tingin nya? Normal ba yung ganon?

"Dony tayo kana diyan bilis at baka malintikan pa tayo pare pareho dito"  Tsaka lang ako natauhan at bumalik sa katinuan. Tumayo nadin sya at nakayukong naupo sa bakanteng upuan sa harapan ko.

Bakit parang iba ang dating sakin ng mga mata nya? Parang pamilyar e. At naiinis ako sa hindi ko malamang dahilan.



To be continued...

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon