CHAPTER 5

21 8 0
                                    

Ps: Continuation po ito ng prologue, parang ikinwento lang yung mga nangyare before :> Vote and comments are highly appreciated. Thankyou!

***

      Nang makaupo sya ay ibininalik ko na ang sarili ko sa pagtulog. Nakaalis na rin ang iba naming kaklase, ang iba naman ay nanatili lang rin sa classroom dahil may klase pa kami sa next subject.

Kahit anong pilit kong ibalik ang tulog ay hindi na ako dapuan ng antok. Hindi mawala sa isip ko ang dalawang pares ng mata na nakita ko kanina, biglang may umusbong na galit at kirot sa aking dibdib. Hindi ko alam kung saan iyon nagmumula.

Nakabalik nalang ang aking mga kaklase at kasunod ang aming teacher sa second subject ay hindi padin ako nakatulog kahit kaunting minuto manlang. Habang papasok ang mga tao sa classroom ay narinig ko nanaman ang kadaldalan ni Kish.

"Saang school ka galeng? Bakit ngayon kalang pumasok?  Wala ka bang ibang kaibigan? Bakit ang tahimik mo? Woy Dony! Btw, ako nga pala si Kish" Walang prenong sabi nya sabay abot ng kamay nya dun sa lalake. Hindi naman sya pinansin,  miski lingon ay wala.

Marunong bang magsalita yan? Parang hindi eh. Tumahimik na ang lahat ng maupo ang teacher namin at magsimulang magsalita sa unahan. Pagkatapos ay nagkaroon lang kami ng 30 mins para magbreaktime, kasunod naman ay dalawang subject bago maglunch time.

Hindi tinigilan ni Kish yung lalake hanggat hindi sya pinapansin, mabuti naman at kinakausap na sya kahit papaano.

"Dony! Tara sabay kana samin maglunch". Ano? Bakit naman nya isasabay yan tsk.

"Hindi na" Mabuti naman at tumanggi ka.

"Sige na wag ka ng mahiya, mabait naman yan si Vel eh. Tara na!"

Pagkasabi noon ni Kish ay tumingin sa may gawi ko yung Dony kung tawagin ni Kish. Paano naging Dony? Eh Donnale naman ang pangalan nya, ano yon endearment? Nickname? Tss, bakit ba ko naiinis? Ewan ko din! Iniwas nya ang tingin ng makita patingin ako sa gawi nya.

"Hindi ako kakain" Sabi nya tsaka nagbaba ng tingin. Hindi kakain? Seryoso ba sya, sobrang payat na nga nya nagdadiet pa sya?

"Tara" Sabi ko nalang at tumalikod na, ayaw nya eh di wag. Kaming tatlo nalang pala ang tao dito. Lumakad nako, naramdaman ko namang nakasunod na sakin si Kish.

"Ikaw po ba si Kish?" Tanong nung lalaki na mukhang junior.

"Ako nga baket?" Sagot naman ni Kish sa kanya.

"Ah pinapatawag kapo kase sa faculty"

"Ha? Ako? Bakit daw?"

"Hindi ko din po alam eh, pumunta kana lang daw po dun"

"Ah sige"

Bakit naman kaya? Hay! Edi wala akong kasabay kumain?

"Ah Vel una kana sa canteen, kumain kana rin baka matagalan ako eh"

Ano pa bang magagawa ko? Tumango nalang ako at nagsimulang maglakad papuntang canteen. Bumili lang ako ng kanin at ulam na monggo, napatingin ako sa mga sandwich. Parang ang sarap kaya bumili ako, medyo malaki naman ang kinita ko eh kaya pwede akong bumawas ng konti. Bumili din ako ng inumin at nagdesisyong sa classroom nalang kumain total wala rin akong kasabay dito.

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon