CHAPTER 1

46 9 0
                                    

Let's start but don't forget to vote and comment. Thankyou!

***

"Vel tama na yan. Sabi ni boss wag pupuruhan!" Sabi ng kasama ko. Tsaka lang ako tumigil kakasipa sa lalaking bobo. Kung hindi lang ako bayad d ko papatulan to e. Kawawa naman mukang isang sipa nalang malalagutan na ng hininga.

"Tara na kay boss" nauna nakong umalis at iniwan silang lahat doon.

Nang makarating kami sa isang malaking bodega ay dali dali nakong pumasok at hinarap si Mr. Prim.

"Asan na ang pera ko?" Anong oras naba? Ala una na pala ng madaling araw d ko na napansin.

"Masyado ka namang nagmamadali velvet, ayaw mo bang uminom muna?" Lumapit sya sakin at humawak sa braso ko. Marahas kong iniwas ang sarili ko sa kanya at tiningnan sya ng masama.

"Woah relax velvet, oh eto na ang pera mo. Pag kailangan mo pa wag kang mahihiyang lumapit sakin. Alam mo namang handa akong tulungan ka sa lahat ng kailangan mo. Kung pumapayag kana ka- argh!" Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. Kinuha ko ang pera ko tsaka sya sinikmuraan. Wala syang kwentang tao, bakit ba hindi pa sya mamatay!.

" Kung hindi ko lang kailangan ng pera ay hindi ako lalapit sayo tarantado ka. At isa pa, wala kang karapatang tawagin ako sa pangalang kinasusuklaman ko. Isang tawag mopa at hindi ako magdadalawang isip na patumbahin ka" prente akong tumalikod at naglakad palayo sa nakakasukang lugar na iyon.

Napatingin ulit ako sa aking relo at saka napailing. Inabot nanaman ako ng umaga kakadelhensya ng pera. Wala nakong magulang, kami nalang ng kapatid ko ang magtuwang sa buhay. Ang tatay ko ay sumama sa ibang babae at ang nanay ko naman ay wala na. Naramdaman ko nanaman ang kirot sa puso ko ng maalala ko ang mga pangyayare na hindi ko malilimutan kailan man.

~Flashback~

"Victor parang awa mo na wag mo kaming iwan! Kahit para na lamang sa ating mga anak please Victor! Mahal na mahal kita at hindi ko kakayanin kung iiwan mo kami ng mga anak mo!"

Nakasilip ako sa pinto habang karga ko ang 3 taong gulang na si Vlair. Nang makita kong nakaluhod, nagmamakaawa at umiiyak ang aking nanay sa harap ng magaling kong tatay ay nagsimulang tumulo ang aking luha. Nakatingin lang sakin ang kapatid kong bakas ang kainosentehan pero may pagtataka sa mukha. Marahil ay nagtataka sya dahil umiiyak ako at sumisigaw ang aming mga magulang. Tinakpan ko nalang ang kaniyang tenga at saka tahimik na umiyak habang nakikinig sa pagtatalo nila.

"Tigilan na natin ito Beth! Tigilan mo nako hindi na kita mahal! May iba nakong pamilya at hindi na kita kailangan. Wag kang magalala dahil magbibigay padin ako ng pang suporta para sa mga anak natin"

"Hindi kaba naaawa sakin? O kahit sa mga anak mo manlang? Lalaki silang walang ama Victor naiintindihan mo ba yon?"

"I'm so sorry Beth, pero buo na ang desisyon ko. Sa kanila ako masaya at hindi sa pamilyang ito"

"Victor! Victoooor! Wag mo kaming iwan Victoooor"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Bumukas ang pinto kung saan kami nakapwesto ng kapatid ko. Natigilan ang tatay ko at saglit na tumitig sakin at saka tuluyang umalis. May ibang pamilya na si papa? Kailan pa? Paano nangyare yon? Biglang pumasok sa isip ko si mama. Tama! Kailangan ako ni mama. Alam kong sobrang mahal ni mama si papa at hindi nya talaga kakayanin kung iwan kami ni papa.

"Maaaa? Mama? Ok lang po yan mama" Pinilit kong aluin ang nanay ko kahit na patuloy din ang pag agos ng luha ko. Niyakap ko lang si mama dahil iyak sya ng iyak na akala mo ay hihimatayin na. Sobrang sakit makita na nasa ganoong kalagayan ang nanay ko. Hinayaan kong umiyak kaming dalawa hanggang sa makatulog si mama. Pinatulog ko muna si Vlair bago ako matulog.

Kinabukasan ay nagising akong medyo masakit ang ulo. Dahil siguro sa sobrang pagiyak ko. Lumabas ako ng kwarto at pumuntang kusina. Nakita ko si Vlair na naglalaro sa may pinto. Nang dumeretso naman ako sa lutuan ay nakita ko si mama na naghahalo ng niluluto nya pero parang lutang at wala sa sarili. Tumakbo ako palapit nang makaamoy ako ng nasusunog.

"Maaa, nasusunog napo ang niluluto nyo" Hindi nya ako pinansin at patuloy lang sa paghahalo. Inagaw ko sa kanya ang sandok at saka ko tinanggal sa apoy ang sinangag na kanin. Hinarap ko si mama at muntik nakong mapatalon ng makitang umiiyak nanaman sya. Tumingin sya sakin at parang tumaas ang balahibo ko sa sobrang lamig ng tingin nya sakin. Anong nangyare sa masayahin at palaging nakangiti nyang mukha? Sa mga mata nyang tila dyamante dahil kumikinang sa sobrang saya?.

Pagkatapos nun ay umalis si mama dahil may aasikasuhin pa daw sya. Sunod sunod ang araw at panay ang alis nya sa bahay at umuuwing maga ang mata na halatang galing sa matinding pagiyak. Hanggang sa isang araw ay hindi sya umuwi. Hinintay namin sya, ilang araw na ang lumipas pero wala padin. Hindi ko naman mahanap dahil walang magbabantay sa kapatid ko at saka isa pa san ko naman sya hahanapin? Baka mamaya maligaw pako at hindi agad makauwi. Dumaan ang dalawang linggo at wala padin si mama. Sobrang dami na naming utang sa tindahan at kapitbahay namin dahil wala naman kaming pera ng kapatid ko. 11 taong gulang palang ako at hindi ko alam kung paano magkakapera. Kaya nangungutang nalang ako at nangangakong babayadan ko din agad pagdating ni mama. Pinatutulog ko si Vlair ng may kumatok. Dali dali akong tumayo at binuksan ang pintuan sa pag aakalang si mama ang dumating. Nagulat ako ng may lalaking nakatayo sa tapat ng aming pinto.

"Ikaw ba si Velvet Guerrero?" Ha? Bakit nya ko kilala? Bakit nya tinatanong ang pangalan ko?

"Ah.. ahm.. ako nga.. po ano pong.. kailangan nyo?" Natatakot at utal utal kong sagot. Inilahad nya ang kanyang kamay na may sobre.

"Ipinabibigay ito sa iyo ng iyong ina" Si mama? Alam nya kaya kung nasan si mama? Tsaka ano to?

" Ahm.. ano.. alam nyo po ba kung ... nasan si mama ko?" Bakas ang gulat sa mukha nya. Natigilan sya saglit at saka nalilitong tumingin sakin. Mukhang nagaalinlangan pa syang sumagot pero tiningnan ko lang sya at hinintay ang sagot.

"Hindi mo paba Alam?" Sabi nya

"Ang alin po?" Bakit parang bigla akong kinabahan?

"Wala na ang mama mo, nailibing na sya noong isang linggo pa. Sige una ko"

Wala akong naintindihan sa sinabi nya. Wala na si mama? Nailibing? Papaanong nangyareng? Napaupo ako bigla sa sahig at natulala. Parang tumigil ang mundo ko. Nag unahan sa pagpatak ang mga luha ko Habang umiiyak ay wala sa sarili akong napatingin sa sobreng hawak ko. Mas lalo akong nagulat ng buksan ko ito. Natigil bigla sa pagpatak ang luha ko, andaming pera. Saan galing ito? Teka, yung lalaking nagdala nito. Tumayo ako at tumakbo palabas umaasang mahahabol ang lalaki na nagbigay sakin nito.

Lumipas ang ilang linggo, buwan at taon. Binayaran ko lahat ng utang namin ng kapatid ko. Nang bilangin ko ang pera ay napagalaman kong kalahating milyon ang laman ng sobre. Hindi din nagtagal at unti unting naubos yon.

~End of Flashback~

eeeeeeennnnggggkkkkkk*
Peeep! Peeep peeeep!*


To be continued...

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon