CHAPTER 6

14 4 0
                                    

Vote and comments are highly appreciated. Thankyou!

***

Simula ng mangyare yon ay parang nawala ang pagkailang nya sa tao, pero hindi parin nawawala ang kakaibang pakiramdan ko dahil sa kanyang mga mata.

Paulit ulit kong iniisip ang emosyon na nakita ko dati roon pero puro hinanakit lang ang dinudulot nito. Pilit kong kinakalimutan ang lahat pero mukhang hindi ako matatahimik dahil ito mismo ang nagpapahiwatig na kailangan kong ayusin lahat ng gusot. Gustuhin ko mang ayusin ay hindi ko alam kung saan magsisimula.

"Hoy Vel"

"Ay simula!" TANGINA! Ano bang problema nya at nanggugulat sya?

"Anong simula ang pinagsasasabi mo jan?" Kelan ba sya matatahimik? Ang sakit nya talaga sa tenga eh.

"Ano bang problema mo ha?"

"Kanina pa kase kita tinatawag eh tulala ka lang jan" Niloloko nya ba ako? Hindi naman ako tulala ah, tss.

"Bakit ba kase?"

"Hello! Uwian na kaya, ano tara na nagiintay si Dony sa labas" Ano kamo? Bigla akong nahiya pero d ko pinahalata.

"At bakit naman" Padabog kunyareng sagot ko.

"Anong bakit"

"Bakit sya nagiintay?"  Napakaslow talaga nito kahit kailan.

"Aba ewan ko sasabay daw sya e" Sasabay? Umuwi? Ano namang trip nya? Biglang uminit ang pisngi ko sa di malamang dahilan. Tiningnan naman ako ni Kish ng may pangasar na ngiti sa labi.

"Tigilan mo nga ako"

"HAHAHAHA aruuy! Defensive? Wala pa naman akong iniimik e"

"Ano bang problema mo?" Ako defensive? Tss. Anong pakealam bang pakealam nya, kainis.

"Naiinis kana ba?HAHAHA"

"Mukha mo palang ay nakakainis na! Tss." Pagkasabi ko non ay tumalikod nako at lumabas ng pinto.

Nagulat naman ako dahil nakapwesto pala si Dony sa tabi ng pinto. Kinunot ko ang noo ko para magmukang naaasar kahit sa may parte loob loob ko na parang natutuwa dahil sasabay sya samin. Naramdaman kong uminit ang mukha ko kaya umiwas ako ng tingin tsaka nagsalita.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko habang nakatingin sa malayo.

"Ok ka lang ba?" Ano bang sinasabi nya? Bakit naman ako hindi magiging ok?

Lumapit sya sa akin kaya napaatras naman ako hanggang sa mapasandal ako sa pinto. Ano ba kasing trip nya? Nakatingin parin ako sa malayo dahil hindi ko sya kayang tingnan sa mata lalo na sa malapitan. Pero hindi ko alam kung anong gagawin ko ng unti-unti nyang ilapit ang mukha nya sakin. Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko sya at mukang napalakas iyon dahil halos tumalsik sya. Bakit ba kasi ang payat nya?

"Ano bang trip mo? Ok lang ako!" Sagot ko sa sobrang inis.

"Eh namumula ka kase eh"  Tumayo sya bigla at mabilis na lumapit sakin. Inangat nya ang kamay at akmang hahawak sa mukha ko ng pigilan ko ang kamay nya. Agad din naman akong napabitaw ng makaramdam ako ng parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Nang sandaling iyon ay naglakas loob na akong tumingin sa mata nya. Walang pinagbago, ganun padin ang nakikita kong emosyon. Na parang kahit sobrang saya nya ay may madilim at malungkot pading awra. Nakakapanghina, pinanghihina ako ng mga mata nya. Nasa ganoong sitwasyon kami ng lumabas si Kish.

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon