CHAPTER 3

20 8 0
                                    

Vote and comments are highly appreciated. Thankyou!

***

Kinabukasan ay maaga akong umalis. Kukuha pa sana ako ng magbabantay kay Vlair pero sabi nya kaya nadaw nya basta bumalik ako agad. Papunta ko ngayon sa isang amusement park, may kikitain ako dahil kailangan ko nanaman ng pera panggastos namin. Pag nagkapasok na ay mahihirapan nakong kumuha ng raket. Ayoko namang pumasok sa school ng may bangas noh tss.

"Antagal mo naman vel kanina pako dito" sinabi ko bang agahan nya? Bobo.

"Magkano ba yan?" Tanong ko sa kanya, masyado na akong naiinip.

"Madali lang naman ito eh. Bente mil pag galos Lang, sengkwenta naman pag napuruhan ano game kaba?" Tatanga talaga ah. Magaaksaya paba ko ng oras pagpunta dito kung ayoko naman.

"Sino ba yan? At ano namang atraso nyan" Masyado nyang pinahahaba ang usapan tsktsk

"Caiper Solen, bigatin yan vel kaya medyo malaki ang bayad ni boss. Eh inangasan daw si boss eh porket magara ang mga tsekot at makapal ang bulsa. Kilala mo naman si Mr. Prim ayaw ng nauungasan" Buti nga sa kanya matandang hukluban yan ang napapala nya.

"Akin na ang pera" inilahad ko ang kamay ko sa harap nya. Inabot naman sya sakin ang pera tsaka ko sinilip.

"Wala manlang ba akong porsyento diyan?" Unti unti akong nagangat ng tingin sa kanya. Napalunok naman sya, kitang kita na natakot sa tingin ko.

"Balato gusto mo?" Tsaka ko inangat ang kamao ko

"He..hehe.. d ka na..man mabiro.. vel ha-ha, ge una nako" dali dali syang tumalikod at umalis. Duwag ng gago.

Nagsimula nakong maglakad pabalik sa bahay ko ng may marinig ako sa may makipot na eskenita

"Akin na kase yan bata para makaalis kana"

"Oo nga ibigay mo na yan"

"Maawa ka sa katawan mo bata, baka wala pa kaming ginagawa himatayin kana agad?"

Ano bang ginagawa ng mga gagong ito? Wala silang magawang matino. Sila yung mga tambay diyan sa may kanto e. Sino naman kaya yung kinakana ng mga yan? Nakatalikod sakin yung lalaki kaya hindi ko makita ang mukha. D ko tuloy malaman kung kilala ko ba o kung taga dito ba. Ang napansin ko lang ay payat sya at may tattoo sa parteng leeg.

"Woy anong kalokohan yan ha?" Nagtinginan sila sakin maliban dun sa lalake na kinakana nila.

"Tangina naman sino nanaman bang pakealamera yan?" Sabi nung pinakamaliit sa kanilang lima. Agad naman syang pinagbabatukan ng mga kasama.

"Gago! Si vel yan tarantado!" Nagulat kaming lahat ng biglang kumaripas ng takbo yung payat na lalake.

"Hay nako! Wala na, pera na naging bato pa"

Naiiling akong nagsimula ulit sa paglalakad. Anlakas kong pumagitna lagi sa away pero yung trabaho ko ako mismo ang nananakit tsk tsk.

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon