CHAPTER 2

26 8 0
                                    

Vote and comments are highly appreciated. Thankyou!

***

Bumalik ako sa katinuan ng biglang may pumrenong sasakyan. Potangina! Muntik nako dun ah. Sino ba itong gagong ito na kung makabusina e akala mo ay wala ng bukas. Tumabi nalang ako at hinayaang lumagpas yung magarang sasakyan na akala mo nakikipagracing sa sobrang bilis ng takbo. Hay! Makauwi na nga baka magising pa si Vlair ng wala ako sa bahay.

"Ate? Ate vel asan ka?" Saktong pasok ko sa pinto ay narinig kong hinahanap ako ni Vlair.

"Oh bakit gising kapa? Matulog kana" Sabi ko sa kanya. Baka mapansin pa nya yung mga talsik ng dugo sa damit ko e.

"Eh kase ate nagising ako wala ka sa tabi ko e kaya hinanap kita" nakangusong sabi ng kapatid ko. Hay! Natrauma na ata ito dahil malingat lang saglit at mawala ako e naghahanap agad.

"Sige na susunod nako maglilinis lang si ate ok?" Tumango nalang sya at saka bumalik sa kwarto namin. Dumeretso naman ako sa cr para maglinis at magpalit saka pumunta sa kwarto at tumabi kay Vlair. Ilang araw nalang at magpapasukan nanaman. Kaya naman todo sikap ako kung paano makakaipon ng pera para sa pagaaral namin ni Vlair. Grade 3 na sya sa pasukan samantalang fourth year high school naman ako. Humahanap ako ng matinong trabaho na mapapasukan pero walang tumatanggap sakin dahil minor padaw ako. Kaya wala akong choice kundi kumapit sa patalim. Yun din ang naging dahilan kung bakit kinatatakutan ako pati ng mga lalaki sa school na pinapasukan ko. Kilala ako bilang utusan ng mga malalaking grupo. Pag may gusto silang ipabugbog ay ako ang nilalapitan nila. Hindi ko ginustong maging ganito, pero dahil sa mga pangungutya ng ibang tao kaya ako natuto at napilitang lumaban. Babae man o lalaki, matanda o bata, mayaman o mahirap, malakas o mahina wala akong inuurungan. Nasanay nadin ako sa ganitong takbo ng buhay ko. Nagpapabayad ako para bumugbog ng tao. Kung hindi ko ito gagawin ay hindi ko alam kung saan kami pupulutin ng kapatid ko. Walang kamag anak ang gustong kumupkop samin at wala din kaming natatanggap na suporta sa aming ama. Ewan ko dun patay na ata yun e tss. Pinikit ko na ang mata ko at tuluyang hinila ng antok.

Kinabukasan ay naghanda ako ng almusal namin ni Vlair. Pinagtimpla ko sya ng Milo at kape naman sakin tapos tag isa kaming biskwit. Habang kumakain ay tinanong ko sya.

"Vlair gusto mo na bang bumili tayo ng gagamitin sa school? Tatlong araw nalang at pasukan na wala pa tayong gamit"

"Ahm.. ate kase ano.. may pera kana po ba?" Napangiti ako sa tanong nya. Ganyang ganyan sya, alam nya kaseng wala kaming pera kaya hindi nadin nya ako kinukulit na bilhan sya ng gamit.

"Oo naman, syempre may pera si ate" ginulo ko ang buhok nya tsaka ako ngumiti sa kanya.

"Kaya po ba umalis ka kaninang madaling araw kase nagtrabaho ka para may pambili tayo ng gamit?" Nakangiti lang akong tumango sa kanya. Hindi nya alam kung anong klaseng trabaho ang meron ako, ang akala nya e nagtatrabaho ako sa isang kainan bilang katulong. Mas ok nadin yun para hindi sya magalala.

"Bilisan mo na at magayos kana para maaga din tayong makauwi" Tumayo nadin ako para maligo at magayos.

Naglakad nalang kami papunta sa mall. Iilang beses palang si Vlair nakapasok sa mall kaya dito ko sya dinala. Dumeretso naman kami agad sa bilihan ng mga school supplies, nang mabili na namin lahat ng kailangan namin ay pumunta naman kami sa bilihan ng bag at sapatos. Nakita kong sobrang namamangha si Vlair sa mga sapatos at bag na nakikita nya. Meron pa ngang hindi nya matanggal tanggal ang paningin nya. Nang sabihin kong pumili na sya ay agad nyan pinuntahan ang kanina nya pa tinitingan na bag at sapatos saka sinilip ang presyo sa loob. Kitang kita ko ang panghihinayang sa mukha nya kaya lumapit ako at tinanong kung bakit. Pagkatingin ko naman ay medyo nagulat din ako dahil halos 5 libo ang presyo ng bag at sapatos. Napabuntong hininga nalang ako.

"Gusto mo ba nito?" Halata ang gulat sa mukha nya pero umiling lang sya.

"Hindi napo ate sobrang mahal po nyan e. Dun nalang po kaya tayo sa palengke para mura? Mas makakatipid pa po tayo" Nakangiti sya pero ramdam kong malungkot sya. Hay! Hinila ko na sya sa counter upang bayaran ang bag at sapatos. Gulat na gulat yung mukha nya HAHA nakatawa talaga ang kacute-an nya.

"Ate ano kaba sobrang mahal po nyan e wag nalang po nating bilhin. Tsaka ayoko po nyan hindi po yan ang gusto ko" Pahina ng pahina ang boses nya ng sabihin nya yon.

"Sigurado ka hindi mo ito gusto ha?" Pangaasar ko sa kanya

"Ano.. kase ate nakakahiya po sayo e" HAHA sobrang swerte ko talaga sa kapatid ko.

"Wag ka ng magalala may pera pa naman si ate noh" D nalang siguro ako bibili ng bagong bag at sapatos. Ok pa naman yung dati ko e, kunting punas at laba lang ok na ulit yun.

"Eh ikaw ate paano ka? Hindi kaba bibili?" Tanong nya.

"Ha? Hindi na wala akong magustuhan e, sa susunod nalang siguro" Pagsisinungaling ko. Ang daming magaganda dun pero hindi nako pumili kase kulang na ang pera ko. Sa susunod na kita ko nalang ako bibili.

Umuwi kami ng bahay at sobrang saya ni Vlair. Wala ng mas mahalaga sakin kundi ang ngiti ng kapatid ko. Sya nalang ang natira sakin kaya kahit anong makakapagpasaya sa kanya ibibigay ko. Lahat ng pagkukulang ng mga magulang ko ay pupunan ko. Hindi ko hahayaang maramdaman nya na naiiba kami sa mga taong kompleto ang pamilya, dahil kahit kaming dalawa lang ay kaya kong iparamdam sa kanya ang pakiramdan ng konpleto ang pamilya.



To be continued...

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon