CHAPTER 4

22 6 0
                                    

Vote and comments are highly appreciated. Thankyou!

***

Ilang minuto bago ako bumalik sa ulirat. Inayos ko na ulit ang sarili ko at pumasok sa school, unang araw palang ng pasok late agad tsk.

Katulad ng nakasanayan ko, bago ako pumasok sa gate ay naglagay muna ako ng pulbos at lipstick. Naging routine ko nadin ang ganito simula nung second year ako kung saan nagsimula din akong katakutan ng mga estudyante. Kailangan kong maglagay ng ganto para mas magmuka akong matapang, hays! Ang hirap magpanggap. Naglakad nako papasok at dumeretso ako sa maliit na garden ng school, naupo ako sa upuang gawa sa bato. Ang sabi ni Kish ay dito kami magkikita para sabay na hanapin ang room namin.

"Veeeeel omg! Imissyouuuu" Tss. Ang ingay nya talaga. Tumayo nalang ako at nilagpasan sya, ang aga aga ansakit nya sa tenga.

Dumaan ang buong araw na wala namang nangyareng masyado dahil unang araw palang ng pasok. Puro pakilala lang kahit kilala nanaman namin ang isat isa dahil simula first year high school ay mga kaklase ko na sila. Natulog lang din ako sa ibang subject dahil sa sobrang inip ko.

Kinabukas pagkahatid ko kay Vlair sa school nya ay dumeretso na agad ako sa school. Nagtaka ako ng makitang nagtatakbuhan ang mga estudyante. Tss, ano nanamang meron?

"Omg girls! Nakita nyo ba sya? Waaaaah feeling ko hihimatayin ako kanina"

"Oonga Mitch, sobrang bango pa nya kyaaaah"

"Kahit may mga sugat sya kitang kita parin ang kagwapuhan nya"

"May girlfriend na kaya sya? Sana naman wala pa, para may chance pa na maging kami"

"Gumising ka nga Nika! Ang lakas mo namang mangarap HAHAHA"

"Tse! Tara na nga sana makita ulit natin sya"

Nagderetso nako sa room at hindi na pinansin ang mga babaeng nagiiritan. Ano naman kayang mangyayare ngayong araw? Papasok na sana ako sa pinto ng classroom namin ng may maramdaman akong nakatingin sakin. Nilibot ko ang paningin ko at may nakita akong lalake na naka black na sumbrero, black leather jacket, black pants at black shoes. Men in Black? Tss parang gago. Medyo nakaside view sya sakin at nakasandal sa corridor. Napansin nya ata na nakatingin nako sa kanya kaya dali dali syang humarap at akmang aalis sa pwesto ng mabunggo sya ng tumatakbong babae dahilan para tumigil sya at makita ko ang mukha nya. May pasa at mga bandage pa. Parang nakita ko na sya? Tama! Yun yung Caiper na akala nila Erick ay ako ang bumugbog. Kinausap nya saglit yung babae at mabilis na umalis. Hindi ako tumuloy sa pagpasok sa room at sinundan sya, nasa second floor ang classroom ko kaya sinilip ko muna sa corridor kung nakababa na sya. Tumakbo ako at nakita kong nagtago sya sa likod ng mga 1st year building. Dahan dahan akong naglakad at doon ako dumaan sa kabilang gilid ng building, naabutan ko syang sumisilip na akala moy may tinataguan. Mula sa kanyang likuran ay iniabang ko ang daliri ko sa may pisngi nya.

"Pssst" Sa sobrang gulat ay agad syang napalingon

"Argh! What the fck is your problem mi-" Habang hawak nya ang pisngi nya na hindi ko napansing tumama pala ang daliri ko sa mismong pasa nya. Hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng makita nya ko.

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon