CHAPTER 12

18 2 0
                                    

Sorry for the late late update, hope you all guys are doing well. Please don't forget to vote and leave a comments, it is highly appreciated. Thankyou!

***

Nakauwi ako sa bahay ng lutang. Hindi ko alam kung ano ng nangyayare, basta ng bumalik ako sa ulirat ay nasa tapat nako ng bahay. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Ang daming tanong na hindi ko Alam kung saan makukuha ang kasagutan. Isama pa yung kahihiyan at katotohanang si Kish pala ang natawagan ko, hays hindi ko talaga alam kung paano sya haharapin. Medyo naguguilty na tuloy ako dahil sa mga nasabi ko sa kanya, nahihiya din ako kase sya pa ang nahingan ko ng tulong kanina tapos iniwan ko lang, Hindi manlang ako nakapagpasalamat ng maayos. Hayae na nga bukas ko nalang sya kakausapin.

Teka nga lang, hindi ba at maggogrocery ako? Peste kasing mga tao yun e. Pero bigla akong napaisip, ano kaya ang ibig nilang sabihin?

Napailing nalang ako sa isiping iniwan na nga kami ng tatay namin tapos bibigyan nya pa kami ng problema at ilalagay sa kapahamakan. Wala naba talagang natitira miski kaunting kahihiyan sa katawan nya? Buti kung ako lang e kaya ko ang sarili ko, pero paano naman ang kapatid ko?

Hindi nako tumuloy paggogrocery at napagdesisyonang pagkatapos nalang ng klase ako mamimili. Wag lang talagang magpapakita ulit ang mga gunggong na yon dahil hindi ko na sila aatrasan.

*Tok tok tok*

Natigil ako sa pagiisip ng may kumatok sa pinto. Tumayo naman ako agad at humanap si Vlair na natanaw kong nasa kwarto dahil bukas ang pinto nito. Lumapit ako sa sa pinto upang buksan at tingnan kung sino an-

"Hi" anak ka ng nanay mo!

"Anong kailangan mo? Bakit ka nandito?" Magkasunod na tanong ko kay CAIPER!

"Ah ahm I've been-"

"Saglet!"  Pagputol ko sa sasabihin nya

"W-why? What's wrong?" Nagulat naman sya

"Wag kang engles ng engles! Pakiusap pede?" Napakunot ang noo nya saglet pero nawala din naman agad at napalitan ng ngisi

"Ah ow ok"

"Oh ngayon sagutin moko? Bakit ka nandito? Paano ka nakapunta dito? Anong kailangan mo?" Paguulit ko ng mga tanong ko dahil sa sobrang gulat at pagtataka kung paanong napadpad sya dito

"Wait pwede isa isa lang?" Mabagal na pagsasalita nya

"I'm- ahm napadaan lang dito ako. Galing ako don, I remembered na dito ka nakatira so I came here para magvisit sayo" Slang sya magsalita at halatang nahihirapan. Nakaturo pa sya kung asan say nanggaling. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano pero ano daw? Visit visit? Tss

"Bakit mo naman ako bibisitahin? E wala naman akong sakit at mas lalong hindi palo patay! Umalis kana hindi ka bagay dito" Pagtataboy ko sa kanya kahit alam kong hindi tama ang ginagawa ko. Kawalang respeto at galang yon, bukod sa hindi ko sya pinatuloy sa bahay ko ay itinaboy ko pa sya

"Why do you say so? I mean, bakit hindi ako bagay dito?" Parang naguguluhan pa sya sakin at sa mga sinasabi ko

"Hah! Tingnan mo nga yang suot mo, mas mahal pa ata yan sa mga bahay dito samin. Tsaka yang kotse mo wag mong iharang harang dahil madaming loko dito at hindi mo na maiuwing buo o maayos yan" Mahabang litanya ko.

Dahil sa sinabi ko ay napalingon sya sa sasakyan nyang nakaparada sa tapat ng bahay at nakaharang sa makipot na daan dito sa amin. Nang makita nyang ok pa naman ang kotse nya ay sunod nyang pinasadahan ng tingin ang suot nya. Nakacoat sya at nakapailalim dito ang kanyang t-shirt, naka black pants at naka leather shoes. Hindi ko inaasahang bigla nya akong tatalikuran at naglakad pabalik sa kanyang sasakyan. Inintay ko itong umalis bago sana isarado ang pinto pero nagtaka ako ng lumipas ang tatlong minuto pero hindi padin umaalis. Isasara ko na sana ang pinto pero mas nagulat ako ng bumaba ulit sya ng kotse.

"Is it ok?" Hindi pako makasagot dahil medyo natulala pako. Hindi sa mukha nya kundi dahil sa ginawa nya

"Anong-"  Hindi ko alam ang sasabihin ng putulin nya ang pagsasalita ko

"You said I'm not suitable here because of the way how I dressed so now, maybe it's fine?" Kalmadong tanong nya

"Hilo kaba? Sabi ko ng unti unti akong makarecover. Sino ba namang hindi magugulat, pumasok lang sya ng kotse nagiba na yung suot nya.

Tiningnan ko sya simula ulo hanggang paa. Naka t-shirt na white at hapit sa katawan nalang sya, iyon yata yung panloob nya sa coat kanina, nakashorts na jersey at PANDA NA TSINELAS? Hindi sya yung panlabas ng bahay na tsinelas kundi yung ginagamit sa loob ng bahay, yung nakaumbok sa taas si panda. Ibang klase! San naman nya nakuha yan? Wag nyang sabihing sa kanya yan?

"What? Hilo?" Tanong nya saken

"San mo nakuha yan?" Patungkol ko sa damit nya. Itinuro ko ang kabuuan nya.

"I always have it with me" Prenteng sagot naman nya. Aba!

"Pati yang tsinelas?" Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ba sya o ano

"Yah, why? You want it?" Automatic umasim ang mukha ko. Hindi ako mahilig sa ganyan psh.

"Anong you want it? Sayo na! Kadiri ka" Naasiwang sabi ko

"What's kadiri?" Normal lang yung salita nya pero para sakin ang arte. Siguro made nasanay akong nageengles sya

"EWAN!" Buringot na sagot ko

"So, can I come in now?" Pangungulit naman nya

"Magaano kaba dito eh wala namang magagawa dito? Magmall ka nalang o kaya magroad trip mas masaya yon" Suhestiyon ko sa kanya dahil mukang bored lang sya at walang ibang maisip na pwedeng gawin.

"You'll come with me?" Whaaat? Apog mo!

"Anong you'll come with me? Magisa ka!" Bat naman ako sasama sa kanya

"Then I won't go. I'll stay here instead" Tangina talaga nito nakakaasar a. Akala not sobrang close namin kung makaasta

"Bahala ka nga sa buhay mo, ang sakit mo sa ulo" Pagsuko ko sa kanya. Parang mas malala pa ito kay Dony aba tsktsk, teka nga bat nasali si Dony? Mamaya nakain yun tapos mabilaokan sana HAHAHAHA di biro lang.

To be continued....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon