CHAPTER 9

15 4 0
                                    

Vote and comments are highly appreciated. Thankyou!

***

"Bakit hindi moko kinakausap?" Medyo sumeryoso yung tono ng boses nya. Nagsimula na ulit kaming maglakad.

"Nagseselos kapa din ba gawa kanina?"  Ay letche! Muntik nakong matalisod sa bato pero buti nalang nahawakan ako ni Dony sa bewang. Para nanamang akong nakuryente ng maglapat ang balat namin kaya agad akong humiwalay sa kanya.

"Ok kalang? Hindi ka kase tumitingin sa dinadaanan mo eh" Sabi nya na aakalain mong galit dahil nakakunot ang noo.

"Tinanong ko lang naman kung nagseselos tapos biglang natalisod" Narinig ko pang bulong nya.

"Ha! Ako? Magseselos? Sino namang may sabi sayo nyan? Tsaka bakit ako magseselos eh wala namang tayo" Giit ko sa kanya. Baka mamaya isipin nya talaga sagseselos ako eh.

"Wala ba?" Wait, bakit ganon? Bat parang nanghihinayang sya? Parang naging malungkot yung mukha nya. Tapos ang seryoso pa. Anong sasabihin ko? Baka mamaya magalit sya, ngayon ko lang sya nakitang ganito kaseryoso.

"A-ano? Ha? Ahm...ano" Ano? Bakit wala akong masabi? Sabihin ko nalang kaya na nagseselos talaga ko? Pero teka! Hindi naman kase talaga eh. Napanguso ako habang nagiisp ng biglang..

"HAHAHAHAHAHAHA-HAHAHAHAHAHAHAHAHA- HA! HA! Pffftt HAHAHAHAHA wa-wait HAHAHAHAHA LT yung itsura mo Velvet HAHAHAHAHA syempre joke lang noh wala naman talagang tayo eh binibiro lang kita kanina tapos..tapos HAHAHAHAHAHAHA sa itsura mo kanina iisipin ko na sana na nagseselos kang talaga eh HAHAHAHA grabe!" Bakit ba nakilala ko pa to? Tss. Nakakainis talaga sya kahit kelan. Akala ko pa naman .... Aiiissshhh! Bwiset!

"Alam mo? Tangina mo" Badtrip na sabi ko.

"Aba't hoy Velvet bakit moko minumura ha? Siguro totoo nga na nagseselos ka no? Kaya ba hindi mo ako kinakausap? Kaya ba nagagalet ka sakin ha? Haaa?" Sabi nya at paulit ulit nanamang inilapit ang mukha nya. Potanggala naman talaga! Bakit ba hilig na hilig nyang gawin yon? Ganon din ba sya sa ibang babae? Tss, eh ano bang pakealam ko?.

"Lumayo ka nga! Ambaho ng hininga mo, tss" Naiilang ako sa tuwing ginagawa nya yon.

"Ang kapal mo tumira kapa dito! Binabago mo lang ang usapan eh" Sagot nya habang nakangisi ng nakakaasar.

"Uuwi nako bahala kana jan" Pikon kong sabi at saka tuluyang lumakad. Hindi na kami matuloy tuloy sahil pahinto hinto kami.

"Ihahatid na kita" Sabi nya habang humahabol sakin. Gusto kong ngumiti pero pinigilan ko dahil baka asarin nanaman nya ako.

"Kaya kong umuwi magisa" Sagot ko habang pilit na pinakakalma ang tono ng pananalita ko.

"Wala naman akong sinabing hindi ah, ang sabi ko ihahatid na kita. Mamaya mabangga kapa kakaisip saken eh HAHAHAHA" San ba sya kumukuha ng lakas ng loob at kapal ng mukha? Kung anong ilang ko ay sya namang pangaasar nya. Ngumiti pa sya ng sobra hanggang sumingkit at hindi makita yung kanyang mata. Unti unti narin akong nasasanay na sa kanyang mata, inaalis ko nalang lahat sa isip at puso ko ang mga pangamba lalo na ang galit at hinanakit katulad ng naramdaman ko ng unang beses kong makita iyon sa kanya.

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon