CHAPTER 10

15 4 0
                                    

Vote and comments are highly appreciated. Thankyou!

***

Ilang araw ang lumipas at hindi pa din mawala sa isip ko kung sino yung lalaki na nagmamatyag sa labas ng bahay namin. Dahil tuloy doon ay hindi ko na hinahayaan na lumabas si Vlair at pag minsan ay sinusundo ko na sya sa school.

Hindi parin kami nagpapansinan ni Kish. Gusto ko na syang kausapin kaso inaabot ako ng topak at itinatanong sa sarili kung bakit ko pa sya kakausapin eh ako nga itong nagalit sa kanya kaya sya lumayo. Inaasar din kami parati ni tikling kaya minsan ay nakikita kong tumatawa si Kish dahil sa kakulitan ni Dony. Parati narin kaming magkasama nya at madalas sabay na kaming umuwi. Naalala ko tuloy ng minsang sumama sya pagsundo kay Vlair sa school.

~Flashback~

"Bilisan mo naman maglakad Donnale! Kanina pa uwian si Vlair baka naiinip na yon kakaantay" Sigaw ko sa kanya dahil sobrang layo ng agwat naming dalawa.

"Saglit lang naman kase ano? Ang bilis bilis mo kayang maglakad. Pag ako hinapo akala mo" Reklamo naman nya.

"Oh bakit sakin mo isisisi? Pinilit ba kitang sumama ha? Umuwi kana kaya!"  Pangbabara ko naman sa kanya. Paano kase sumama sama pa eh alam na nagmamadali nako tapos hapuin naman pala sya.

"Ito naman di mabiro, ayokong umuwi sasama muna ko sayo" Sigaw nya at saka tumakbo palapit sakin.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo laging umuuwi ng maaga?" Tanong ko ng tuluyan na syang makalapit.

"Ha? Ano.. kase ano..." Parang nagdadalawang isip pa sya kung sasagot o hindi.

"Kase ano?" Ulit ko naman sa huli nyang sinabi

"Wala" Walang kwentang sagot nya.

"Ano nga?" Pangungulit ko pa habang tuloy kami sa paglalakad.

"Gusto pa kitang makasama eh" Sabi nya kaya natigilan ako sa pagkukulit sa kanya at tumahimik nalang.

"Woy! Bakit natahimik kana jan? Kinikilig ka no?" Tarantado talaga ito!

"Tss. Hindi kaba nasasawa sa mukha ko? Araw araw na tayong magkasama ah mamaya magkapalit na tayo ng mukha." Sabi ko nalang para makaiwas sa pangaasar nya.

"Sakto lang" Sagot naman nya.

"Anong sakto lang?" Tanong ko ulit. Parang gago naman kasing sumagot eh.

"Hindi naman nakakasawa yang mukha mo eh" Sagot nya naman dahilan para matigilan nanaman ako.

"Ah ok" Tanging naisagot ko nalang.

Hindi na kami nagusap pa hanggang makarating kami sa school ni Vlair. Rinig na rinig ko ang malakas na paghinga ni Dony na para bang kinakapos sya ng hininga.

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon