CHAPTER 11

16 4 0
                                    

Vote and comments are highly appreciated. Thankyou!

***

"Hindi ako tanga bata HAHA! Alam kong kilala moko at nakikita moko sa labas ng bahay nyo, ano? Natatakot kana ba?" Ha! Tama nga ang hinala ko. At ano daw? Ako natatakot? HAHA baka sa itsura nya matakot pako. Pwe!

"Anong namang nakakatakot?" Maangas na sagot ko habang nakangisi ng pangasar.

"Ha! Mayabang kang talaga, manang mana ka sa tatay mo. Kaya siguro galit na galit si boss dahil mayabang din syang tulad mo" Agad nawala ang ngisi ko at natigilan sa narinig. Matagal nakong walang balita sa tatay ko at ngayon may haharang sa dadaanan ko at sasabihing andito sila dahil sa tatay ko? Kahanga hanga talaga peste!

"Anong pakealam ko? Tsaka wala akong tatay kaya wag nyokong pinaglololoko" Depensa ko at saka sila binigyan ng seryosong tingin.

"HAHAHAHAHA oo nga pala at iniwan nya kayo" Potangina mo! Hayop ka! Pasalamat sya at nakakapagpigil pako.

"Oh relax bata wag kang magalet HAHAHA ang ganda mo pa naman tsktsk" Nakakasukang sabi nya sa tonong may pagnanasa. Pwe! Pwe! Pweee! Potangina talaga! Lumapit sya sakin at akma akong hahawakan kaya umiwas ako ng biglaan dahilan para muntikan na syang tumimbuwang.

"Wag mo akong lalapitan at mas wag mo akong kakapitan! Kung may kasalanan sa inyo ang magaling kong ama ay sya ang resbakan nyo. Bugbugin nyo, baldahin nyo, patayin nyo narin kung gusto nyo, wala akong pakealam. Tigilan nyoko" Nauubusang pasensya na sabi ko. Kung hindi pa sila aalis ay sila ang babalian ko ng buto mga letche!

"Para saan pa ang pagpunta at pag aabang namin dito kung aalis lang rin kami dahil sinabi mo, Hindi mo kami utusan HAHAHA" Sabi nya at tumawa. Ang panget ng tawa nya!

"Hindi iyon utos tanda, isa iyong pagbabanta" Seryosong sabi ko sa kanya at nilibot ko ang paningin ko para bilangin sila, siyam!

"Abat hanga rin naman ako sa tapang at yabang mo bata. Tandaan mo babae ka at nagiisa kalang, kayang kaya ka namin pirapirasuhin kung gugustuhin namin" Ang daming nyang sinasabi! Naririndi nako deputa!

"Yun ay...kung papayag ako" Sabi ko at saka sya sinipa sa dibdib.

Tinulungan sya apat dahil halos tumalsik sya sa lakas ng sipa ko. Lumapit ang natirang apat at pinalibutan ako.

"Paghihirapan mo lang ang sarili mo bata, pwede ka namang sumama samin ng matiwasay para hindi kana masaktan" Sabi ng isa sa apat. Tarantado ba siya? Lalo akong nanggigigil sa mga sinasabi nila eh.

Sinapak ko sya at ng mapaluhod ay tinuhod ko ang kaniyang mukha. Lumapit naman ang isa kaya umikot ako at sinipa sya sa mukha. Pagkaharap ko sa likod ay nagulat ako sa kamaong tumama sa mukha ko, medyo nahilo ako kaya inalog ko ng bahagya ang ulo ko. Akma nanaman syang susuntok pero nahuli ko ang braso nya at pinilipit ko tsaka ko pinasan sa likod at ibinagsak sa sahig. Tatlo palang ang nakatumba at papalapit na yung lima kanina tapos may isa pa sa harap ko. Tangina ang aga aga bakit walang tao sa lugar nato? Habang papalapit ang lima at nakatingin sakin ang isa ay dahan dahan kong kinapa ang selpon ko sa bulsa. Keypad lang iyon kaya saulo ko ang pipindutin kahit hindi nakatingin. Dinial ko ang kauna unahang numero sa contact ko saka ako sumugod upang gulatin Ang nasa harap ko saka ako tumakbo ng sobrang bilis na halos madapa dapa ako. Habang tumatakbo at tungin ako sa likod at nakitang aabutan na nila ako, kinuha ko ang selpon ko at tiningnan kung may sumagot ba sa tawag ko. Nang makita kong sinagot ay nagsalita ako.

"May humahabol... saking siyam na... lalaki, andito... kami sa... ikatlong kanto mula sa... bahay" Hinihingal Kong sabi at saka binaba ang tawag.

Pagkasilid ko sa bulsa ng selpon ko ay saktong naabutan naman ako ng isa sa kanila. Hinigit nya ang buhok ko na akala ko ay matatanggal dahil sa sobrang lakas ng pagkakahigit.

"Asan ang yabang mo ha bata?" Nakangising sabi nya.

"Wala naman talaga akong balak tumakas, tinesting ko lang kung magaling naba kayong tumakbo" Hinihingal ako pero pinilit kong magsalita ng maayos. Baka isipin pa nila natatakot ako.

"At bakit naman?" Ngumisi pa ng pang aso ang nasa harap ko.

"Para pag ako ang humabol sa inyo ay praktisado na kayo" Hindi ko intensyong asarin sila pero mukang yun ang nangyare.

"Ha! Nakakatakot ka naman bata, eh kung putulan kita ng ulo at ipadala iyon sa tatay mo? Ha?" Dinakot nya ang damit ko na para bang lalake ang kaharap nya at hindi babae. Nagsimula na namang uminit ang ulo ko. Potangina! Sinabing wala akong tatay mga bobo talaga.

"Bitiwan moko" Nauubusan ng pasensyang sabi ko. Gagong ito! Talagang pinipikon ako!

"Baket? Lalaban ka? Ha?" Yak! Talsik laway tangina.

"Yung kamay mo, dumidikit sa dibdib ko gago! Tsaka isa pa, matuto kang magsepilyo ang baho ng hininga mo!" Sigaw ko sa mukha nya at saka hinila ang kwelyo kong hawak nya.

"Aba tarantado ka talaga ah-" Sasapakin na sana nya ko ng matigilan sya.

"HOOOOOY MAMA! BITIWAN MO SYAAAAA TULOOOOOONG KUUUUYAAAA WOOY TULUNGAN NYO YUNG KAIBIGAN KO BILIIIIISSSS!" Pagkalingon ko ay nakita ko si Kish na may hatak hatak na dalawang lalake.

"Boss ano na may tao na rito" Nagkatinginan sila at saka ulit humar ap sakin.

"WOY MGA MAMA PADATING NA ANG PULIS AKALA NYO HAAAA!"Tangina! Bat sya yung natawagan ko? Ang sakit sa tenga kahit kailan tsktsk.

"Swerte mo bata, magkita tayo sa susunod isama mo na din tatay mo" Sabi nung lalaking laging nasa kanto ng bahay namin at saka sila tumakbo at mayamaya ay nawala na.

"ABAT HOOOY! SAAN KAYO PUPUNTA HA? BUMALIK KAYO RITO HOOOOY!" Limingon ako kay Kish dahilan ng pagtigil nya kakasigaw.

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko. Nakakunot ang noo ko per hindi ako makatingin sa kanya ng deretso.

"Anong anong ginagawa eh tumawag ka sakin akala ko nga naghihingalo kana eh. Teka sino ba yon? Haaa? Bat ka hinarang?" Bigla akong napatingin sa kanya at saglit pang natigilan. Sya yung tinawagan ko? Shet! Pagkatapos ko syang awayin? Hays! Bigla akong nakaramdam ng hiya at pagkailang kaya dali dali akong umiwas ng tingin ng matauhan ako.

"Umuwi kana, salamat sa pagpunta" Tanging nasabi ko at saka naglakad at nilagpasan sya.

To be continued....

Never Been YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon