CHLAMMY'S POV
Ay putik! Panaginip lang pala ang lahat mabuti na lang panaginip lang yun ok na sana eh yung pumunta ako sa party ni kalen oo totoo yun tapos umuwi na ako kaagad para matulog pero ang ginawa niya hindi alangan na gawin sakin yun ano enemies with benefits
Makaligo na nga at may pasok pa sigurado mga lasing mga kaklase ko bahala si diyan problema na nila yan
"Oh miss galang bakit po kayo pumasok?" Tanong ni manong guard ng papasok pa lang ako
"Syempre may pasok ano bang klaseng tanong yan"
"Eh mga highschool lang po kasi ang may pasok at ang ibang collage dahil nga diba inbitado lahat ng mga batchmate ni ms.kalen"
"Eh hindi kasi ako invited"
"Ah grabi naman po pala sige pwede na po kayo umuwi"
"Hays nagsayang pa ako ng oras wala naman palang pasok" akmang tatalikod na ako ng biglang sumulpot si kalen
"Hindi ka uuwi! Ikaw lang ang papasok kaya mag - aral ka!"
"Ayoko nga! Ano kayo nagpapakasarap tapos ako mag - aaral!"
"Bakit sino bang magsasabi na mag - aaral ka? Ang gagawin mo ay maglilinis ka ng room"
"Ano! Anong maglilinis?! Kaya nga may janitor dito eh! Tapos ako pa paglilinisin tsaka ang laki ng binabayad ko dito tapos ako maglilinis neknek mo"
"Bakit muka ka namang janitor fish"
"So? Anong connect nun?"
"Kasi parehas kayong fish!"
"Ah ganun? Pake ko? Basta hindi ako maglilinis dito" sabay takbo papunta ko ng gate anong akala niya sakin yaya para utos utusan niya? No way
"Hello chlam!" Tawag ni cathie
"Ano? Bakit? Napatawag ka?"
"Tulungan mo ako!"
"Bakit ano ba nangyari sayo?"
"Eeehh kasi eh" kinikilig nitong sabi
"Para kang tanga patulong pero kinikilig - kilig ka pa diyan!"
"Ehhh si sir juvy eh inaya ako makipagdate"
"So?"
"Gara nito! Walang kasupport - support"
"Sorry naman ah! Teka nga anong nakain niyan ni sir at inaya ka! Naku ah masama yan nakikipagrelasyon student x teacher"
"Ang sama mo! Hindi pa nga nanliligaw yung tao eh at tsaka bakit marami namang mag - jowa , mag - asawa na nagkakatuluyan na student x teacher"
"Sus palibhasa dati ka pang patay na patay kay sir"
"Che wag ka ngang maingay diyaan nakaloud speaker ako" hahaha nakaloud speaker pala ah
"Cathie crush si sir juvy!" Malakas kong sigaw pinagtinginan naman ako ng tao nandito bahala sila diyan pake ba nila
"Siraulo ka! Letche ka! Mabuti na lang at nahinaan ko! Hayup ka talaga! , lintik ka!"
"Hahahhahaa! Sorry hindi ko sinasadya!"
"Wala ka talagang kwenta! Tumawag ako para magpatulong na samahan mo ako mamili ng damit ngayon sa mall"
"Ah yun ba sorry di ako makakapunta may pupuntahan ako"
"Libre ko naman eh"
"Pwede ko naman hindi puntahan kaagad yun kaya tara na bagal mo naman"
"Hayup ka talaga galing mo sa libre"
BINABASA MO ANG
destined to my enemy
RomancePaano kung ang taong kinaiinisan mo, kalaban mo, kaagaw mo sa lahat ay tinadhana pala sayo anong gagawin mo?.