CHLAMMY'S POV
"Chlammy! ! Chlammty!" Nagulat na lamang ako ng may boses parrot ang tumawag sa akin kaya luminga - linga ako agad kong nakita parrot pala kala ko boses parrot lang at pano naman niya nalaman pangalan ko? Matanong nga baka sakaling sumagot
Tsaka pangarap ko magkaroon ng parrot para may makakausap talaga ako hindi yung mukang tanga ako kinakausap pusa sa amin parang walang gana
"Hoy parrot anong pangalan mo?"
"Ang pangalan ko ay chlalen" sagot niya napamangha naman ako
"Wow naman marunong kang kumausap ng tao ayos ka rin noh dami dami pa pwedeng ipangalan sayo chlalen pa" sus parang pinagsama lang pangalan namin ah napakagara niya magbigay ng pangalan sa parrot
"Anong paki mo" pakanta niyang sabi ab binubwisit ako ng parrot na toh ah pag kaming dalawa lang hindi ako magkakamaling kitilan ng leeg toh
"Ayos kang parrot ka ah attitude masyado pinagmanahan mo talaga yang amo mo tsaka bakit chlalen pangalan mo ha? "
"Eh kasi nga gusto ka--" biglang sumulpot si kalen at tinakpan ang pantuka ng parrot napaaray pa siya nung tinakpan niya
"Hoy bakit mo tinakpan ha? May sasabihin nga sakin ang parrot mo wag ka ngang umepal" angal ko kay kalen
"Pwede ba bumili ka ng sariling parrot , parrot ko toh eh wala kang pakialam kung hindi ko siya ipakausap sayo" sabay irap niya
"Tsk kakausapin lang pati yun ipagkakait mo pa lahat na nga inagaw mo sa akin eh"
"Bakit kasalanan ko bang mas karapat dapat sakin ang para sayo at mas magaling ako sayo or should i say wala ka naman binatbat sakin"
"Yabang mo ah!"
"Tama na ang away!" Biglang entra ng parrot kaya agad kaming natigil sa pagbabayangan galing talaga nito sino kaya nagtrain
"May gusto kasi sayo ang amo ko" sabi ng parrot na ikinagulat ko pero agad nagreact si kalen
"Hindi totoo ang sinasabi niyan wag kang maniwala diyan minsan sinungaling yan eh tsaka bakit mo papaniwalaan yan eh hayop yan , ganyan lang talaga yan baka mamaya naniwala ka diyan di totoo yan wag mong seryosohin niloloko ka lang" sunod sunod niyang sabi
"Oo na, andami mo ng sinabi ng dahil dun as if maniniwala ako tsaka napaka defensive mo"
"Pakaingay mo talagang parrot ka iluto kita eh" mahinang bulong ni kalen na di gaanong marinig
"Kanino mo yan pinatrain galing ah"
"Wala ako lang mag - isa nagtrain nito ano believe ka na naman sakin noh" pagmamayabang niya
"Edi ikaw talented! ang yabang mo talaga!" Inis kong sagot
"Hindi na baleng mayabang atleast may maipagyayabang" sabay flip ng buhok niyang mahaba
"Uuwi na ako ano pang saysay kung nandito pa ako"
"Eh ano pa nga ba saysay alis" sabay bangga niya sakin parang tanga siya kanina pinagpapawisan ngayon galit naman makaalis na nga pagod na rin ako eh
Kaya namah nagpahatid na ako sa driver nila kalen at nakauwi naman ako ng safe pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay agad akong humiga sa kama syempre bago yun nilock ko muna pintuan alangan na di ko ilock mapasukan pa ako ng magnanakaw
Kinabukasan...
Inaantok pa ako pero pinilit kong imulat ang mga mata ko tsaka magigising naman na ako sa mentol pa naman ng toothpaste sinong hindi magigising
BINABASA MO ANG
destined to my enemy
RomancePaano kung ang taong kinaiinisan mo, kalaban mo, kaagaw mo sa lahat ay tinadhana pala sayo anong gagawin mo?.