CHLAMMY'S POV
Nandito kami ngayon sa hospital kung saan naka confine si kalen
"Doc ano na po ang nangyari sa pamangkin ko?"
"Maayos naman po. mabuti na lang ho eh hindi natanggal ang maraming buhok ni kalen pero napakahigpit ng pagkakasabunot sa kanya kaya nung papunta na dito biglang nawalan siya ng malay" sagot ng doctor
"Hay salamat" masayang sabi ni principal rhea sabay tingim sa akin at inirapan ako
"Maari ko na po kayong iwan" sabay ngiti ni doc jusko ano ba kasi ginawa ko muka ngang napasobra yung pagsabunot ko sa binabae na toh napakakulit kasi eh pero sa isang simpleng saabunot magkakaganyan sabagay masyado kasing sensitibo
"Hoy babae tignan mo ang ginawa mo sa pamangkin ko! Edi sana hindi siya magkakanganyan kung hindi mo siya pinatulan sa pakikipag - away, kanino ka ba nagmana at ganyan ka? Baka naman sa nanay mo? Pero teka ganyan ba ang tinuturong asal sa iyo?"
"Para sabihin ko po sa inyo hindi lanb basta asal ang aral na tinuro sa akin na kapag ikaw ay inaapi wag kang matakot na lumaban para sa kapakanan mo"
"Oo hindi masama pero dapat hindi na pinapatulan nakikita mo ang pinupunto ko?"
"Alam ko po iyon pero invalid na po kasi pag ganun at pwede po ba wag niyo pong idamay ang nanay ko"
"Bakit naman hindi ko idadamay ang ina mo? Eh diba kung saan ang puno siya ang bunga"
"Eh kayo po mukang mangga"
"Iniinsulto mo ba ako?" Taas kilay niyang sabi
"Hindi po pero parang ganun na nga"
"Letse kang bata ka hindi na ako magtataka kung bakit inaapi ka ng pamangkin ko dahil sa ugali mong iyan" sabay irap niya
"Dagdag kaalaman alam niyo ba na ang ibig sabihin ng letche ay gatas so ibig niyong sabihin isa akong gatas?" Pampipilosopo ko na naman kaya kinuha niya ang cellphone niya at nagdial
"Hello ito po ba ang police station?"
"Joke lang po principal ako na po ang magbabantay kay kalen"
"Mabuti pa nga ayus - ayusin mo dahil diyan ikaw ang mag - aalaga sa kanya susundin mo ang mga utos niya at higit sa lahat kung may balak kang lasunin o patahin ang pamangkin ko nagkakamali ka ng kinalaban! Mayroong cctv dito once na natakpan yan ibig sabihin may ginawa kang kababalaghan sa pamangkin ko"
"Ano po yun may gagawin akong misteryo kay kalen? Asa bakit ko naman gagahasain yan"
"Napakadumi ng utak mo gusto mo bang ipadala kita sa mental hospital? Pero sige idadagdag ko na rin subukan mo lang gahasain ang pamangkin ko papakasuhan kita ng rape"
"Wow ako pa talaga eh ang pamangkin niyo po ang lalaki"
"Excuse me babae na ang pamangkin ko"
"Maam handa na po ang kotse" singit na sabi ng driver ni principal rhea
"Ok sige" tugon niya ng palabas niya ng pintuan agad siya humarap sa akin at ginawang pa piece sign ang dalawa niyang daliri at dinuro niya ito sa mata niya at sa mata ko kahit malayo ang distansya namin kumbaga ang ibig sabihin nito ay hindi pa tayo tapos
Ng lumabas na ng pintuan si principal rhea naisipan kong patahin na lang si kalen habang natutulog
Pero syempre joke lang yun nilapitan ko siya at pinagmasdan ko siya at kinausap habang tulog
"Napakakulit mo kasi kalen sobrang nakakainis ka yan tuloy ang nangyari sayo isa lang masasabi ko sayo stop messing with me"
"Talaga chlammy?" Nagulat ako gising pala tong kumag na toh kaya agad akong lumayo
BINABASA MO ANG
destined to my enemy
RomancePaano kung ang taong kinaiinisan mo, kalaban mo, kaagaw mo sa lahat ay tinadhana pala sayo anong gagawin mo?.