Chapter 25

9 0 0
                                    

I raised my brows when I saw Braden standing in front of me at mataman akong tinitignan. Agad kong iniwas ang tingin ko sakanya at inilipat sa babaeng nakatayo sa likod niya at nakatingin din saakin. Bat niya sinusundan si Braden? Like who is she? His girlfriend? Goodness.

"Tara na kumain muna tayo." ani niya

Di ako umimik bagkus umahon ako sa tubig.  Tinaasan ko lang ng kilay yung babae at nilagpasan ito. Pagkatapos ay nagtungo na ako sa mahabang lamesa kung saan nila nilagay yung merienda.

"Eto gamitin mo.." I turned around and see that its Braden, offering me a towel.

Walang salita ko itong kinuha sakanya pagkatapos ay ipinulupot sa katawan ko.  Nang magsimula na kaming kumain lahat,  tahimik lang ako habang ang ingay ingay ng mga kaibigan ni Braden.  Looks like they're really enjoying.

"May problema ba?" bulong saakin ni Braden

Di ko siya tinignan at patuloy lang na kumakain as if I never heard anything.

"Oy.. " pangungulit niya pa

This time I turned around to face him.
"Bat ba ang kulit mo?" di ko mapigilan ang mairita

Nakita ko kung paano siya nagulat sa inaasal ko.
"May nagawa ba ako o ano? Sabihin mo wag ganito" agad na saad niya

Inilipat ko ang tingin ko sa babaeng nasa likod nya na kanina pa kame tinitignan. I dont know if what I saw is true or I was just imagining things. Did she just smirked? Anyway nevermind. Agad ko siyang inirapan at tinalikuran si Braden.

"Pre tara kunin muna natin yung cooler doon para may juice na tayo dito. " saad ni Greg kay Braden

Bahagya pang tumingin sakin si Braden pagkatapos ay sumunod na kay Greg papaalis. I thought I can finally have some peace of mine nang biglang may lumapit saakin.

"Nagaaway kayo ni Braden?"

I looked at her and stared at her for a moment . "Pake mo?"

Nakita ko kung paano siya nabigla sa sinagot ko.  Maybe she wasn't expecting how rude I am.  Well she should know how to set right expectations from now on.

"Anong problema mo?  Tinatanong ka naman ng maayos?" saad niya using her bitchy tone.

Is that all she can do? Poor her.  Akala niya ata matatakot niya ako sa ganyan.

"It only means I'm not interested and not in the mood to talk to you.  So leave.  Simple as that." saad ko sakanya at akma na sanang tatalikuran siya.

"Really?  O baka nagseselos ka lang saakin?" I can imagine her having that big grin on her face.  Thinking she caught me there. 

I turned around once again and faced her.  Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa.  I'm thinking of some reasons what to be jealous of  her. Pagkatapos ay ngumiti ako sakanya.

"What's to be jealous about you? Come on, you're just a nobody. "

Napasinghap ang lahat ng bigla niya akong sinabuyan ng tubig.  Agad umigting ang aking mga panga.

"Ayan bagay sayo!  Ambastos mo!" pagsisigaw niya

Agad nanginit ang aking mukha sa galit at walang sabing sinampal siya.
Rinig na rinig nang lahat ang paglapat ng mga palad ko sa makapal niyang pagmumukha.

"And that's what you get in return!" mariin na saad ko

Agad akong tumalikod at maglalakad na sana papalayo nang mapatigil ako dahil sa taong nakatayo sa harapan ko.

Unswerving Desire [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon