CHAPTER 5
DILLAN’S POV
Susuntukin ko na si Jemuel biglang... Humarang si Ayessa sa harapan ko. Hinaharangan nya ako sa pagsuntok ko kay Jemuel.
“Tama na! Dillan pwede ba umalis ka na?!”
Sobra akong nagulat sa mga pangyayari. Mas nagalit ako dahil sa mga pagkakataon na pinapahiya na sya ni Ria at lalo na ni Jemuel, kakampihan nya pa si Jemuel? Ano ba Ayessa!
“Pwede ba Ayessa! Pinahiya ka na nya hindi lang sa unang pagkakataon ng lalaking yan, sya pa ang kakampihan mo?!”-Me
“Wala ka ng pakeelam dun! Mind your own business.”-Ayessa
“Sige kung yan ang gusto mo. Dyan ka naman masaya e. Ano ba ang kakayahan ko na pasayahin ka?” –Me
Di na ako nagbitaw pa ng maraming masasakit na salita. Dahil napahiya na nga si Ayessa, mas mapapahiya pa sya lalo. Umalis nalang ako na punung-puno ng galit, lungkot, disappointment and guilt. Halu0-halo ang mga emosyon ko ngayon.
AYESSA’ S POV
Sorry Dillan pero alam ko na engot ako, pero gusto ko lang matulungan si Jemuel na makapag move-on. Nagbabakasali pa kasi ako. For the past years since grade five gusto ko na sya. Pero hanggang ngayon para lang akong anino sa kanya. Di pa ako susuko.
“Oh ngayon wala ka ng kakampi Ayessa? Get lost.” –Ria.
“Ano bang ginawa ko sa’yo at ganyan ka sakin makaasta hah?” Sabi ko.
“Kasi ayoko sa’yo. I never liked you.”
“Well I never forced you to like me. I don’t need to be likable.” Sabi ko sa kanya.
“Eh bakit ba ang tapang mo? Sino ba ang may ari ng school na to?”
“Alam ko naman Ria na ang may ari ng school na to ay ang parents mo.”-me
“So ayusin mo ang pakikitungo mo dito.”
“Ria?! Anong kaguluhan to?!” Sigaw ng father ni Ria.
“Wa-wala po daddy.”-Ria
“Bakit ba lagi kang nangbubully? Porket tayo ang may-ari ng school na’to? At si Ayessa pa hah, alam mo naman sya ang pinaka kagalang-galang na estudyante dito. Go to my office now!”-Ria’s father
“See Ayessa? Isa pa tong rason kaya ayoko sa’yo.” Sabi ni Ria habang naglalakad sya kasunod ng dad nya.
Nakatulala lang ako habang paalis sya. Bakit kaialangan pa nyang magalit sakin? Sya naman ang masyadong liberated at BI sa school e.
Pero di parin ako makapaniwala sa nangyari. Parang talung-talo ako ngayon. Galit sakin si Dillan, well be it. Sana naman intindihin nya naman yung sitwasyon ko.
MEG’S POV
Nakita ko ang kaibigan slash friend ko na si Ayessa at si Dillan na nagkasagutan. *sigh* Anu ka ba naman Ayessa >.<
Ay di pa pala ako nagpapakilala. I’m MEG short term for Melissa Elline Grace. Oh diba ang haba ng name ko di pa kasama ang last name ko dyan. I am MEG De Leon for short. Simpleng kaibigan nina Ayessa at Dillan dito sa class A. Okay maiba ako back to the situation...
Nakita ko na sobrang mainit ang ulo at nakafrown si Dillan. Tsk.
“Dillan, bakit mukha kang problemado, dahil ba sa nangyari kanina? –me
BINABASA MO ANG
Heaven Beside You (On Going)
Teen FictionIsang simple, matalino at sikat na babae si Ayessa. Magakakaroon ba ng saysay ang mga characteristics nya nato in dealing with love? So read, enjoy and relax. I dedicate this story to my special friend.