Chapter 12: Part 2: Month of February
AYESSA'S POV
"Ba-bakit ganun? Bakit magkatable sina Jemuel at Ria? Eh diba per section ang pagkakatabi dapat sa seat plan? Bakit sya lang ang naiba?" nakakainis naman.
"Anu ka ba naman Ayessa, sa actual prom, di na masusunod ang seat plan na yan. Tsaka ikaw naman ang mas matimbang, ikaw ang girlfriend nya." -Dillan
"Oo nga sis, tsaka ikaw naman ang isasayaw nya hindi si Ria, so don't be upset na."-Dawn
"Hmmm, sige na nga. Kahit nakakainis tatanggapin ko nalang. Sya nga pala ang anak ng may ari ng school na 'to. Kaya magagawa nya ang lahat."
Pagkatingin namin sa bulletin board bumalik na kami sa klase namin. Pero nakakapanira pa ng araw. Pero okay lang look at the bright side Ayessa. Look at the bright side. Pagkatapos ng klase namin pumunta ako sa mall para bumuli ng Valentine's gift para kay Jemuel. Hindi kasi kami magkikita ngayon dahil wala sya sa school with his other team mates dahil may semi-finals sila sa basketbal game. Bukas pa sila makakabalik, sana makaabot sya dahil prom na din bukas.
Kasabay ko si Dillan pumunta sa mall, hindi raw sasama si Dawn kasi may aasikasuhin daw sya. Ewan ko ba sa kanya, eto na nga yung moment na makakasama si Dillan e. Pumunta kami sa grocery kasi bibili ako ng chocolates. Tapos etong si Dillan kumontra na naman.
"Bakit ikaw ang bibili ng chocolates, diba dapat si Jemuel ang nagbibigay nyan?"
"Tsk, kumokontra ka na naman e. Mas okay na 'to kesa ako pa ang magbibigay ng bulalak sa kanya. -.- Nga pala Dillan maiba ako hindi ka ba bibili ng gifts para sa Valentine's Day?"
"Tapos na ako mamili ng pangregalo. Nung mga panahong nagde-date koayo ni Jemuel."
"Errr, okay sabi mo eh. Sino ba bibigyan mo ng gift?" tanung ko.
"It's none of your business Ayessa."
"Sungit mo naman ngayon. Meron ka ba?" hinampas ko sya sa braso.
"Anu ba Ayessa. Hinampas mo pa ako sa braso edi magkakapasa ako lalu nyan kasi MERON ako." :))) pabiro nyang sinabi.
"Hahaha, ay ewan ko sa'yo puro ka kalokohan." sabi ko sa kanya.
"Sino bang nauna sa atin?" tanung nya.
"Ikaw." :P sagot ko tapos dumila ako.
"Bakit ako, ikaw kaya ang nagsabi na meron ako." sabi ni Dillan.
"At sino kaya ang unang nagsungit sa ating dalawa kaya inasar ko sya na may mens?"
"Okay, okay you always win." sabi nya.
Hahaha. YAMOT! Pagkatapos ko bumili ng pangregalo kumain na kami sa isang fastfood. Kahit naman mayaman kami, pangmasa parin naman kami. Habang kumakain hindi ko namalayan na tulala pala ako hanggang sa tinapik ako ni Dillan.
"Ayessa, pssst." tapos bigla akong tinapik ni Dillan.
"Ah, sorry. Napaisip lang ako." sabi ko sa kanya.
"At anu naman ang iniisip mo?"
"Kasi prom na bukas. At bukas din ang game nila Jemuel. Kinakabahan ako baka hindi sya umabot sa prom. At kung umabot man sya baka patapos na rin. Ang layo kasi ng lugar eh." sabi ko sa kanya.
"So kinakabahan ka aksi baka walang magsayaw sa'yo?" sabi ni Dillan.
"Oo, tsaka it's our first prom. Kailangan maging masaya at memorable. Tsaka si Jemuel yun my first boyfriend, syempre gusto ko sya makasama sa espesyal na gabi na yun diba?" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Heaven Beside You (On Going)
Fiksi RemajaIsang simple, matalino at sikat na babae si Ayessa. Magakakaroon ba ng saysay ang mga characteristics nya nato in dealing with love? So read, enjoy and relax. I dedicate this story to my special friend.