Chapter 10: Almost Christmas

29 1 0
                                    

Chapter 10: Almost Christmas

DILLAN'S POV

Malungkot parin ako dahil nga galit na naman sakin si Ayessa. Sa madalas naming pagaaway eto na siguro yung pinaka naapektuhan ako. Malungkot mang isipin pero ganito na siguro lagi ang magiging sistema ng buhay ko. Pero ang di ko lang maintindihan sa sarili ko, di parin ako sumusuko kahit ba sobrang imposible ng hinahangad ko. 

Ngaon tapos na ang Tuesday class namin, since absent si Dawn dahil sa kagagawan ko, kaya pupunta nalang ako sa ospital para dalawin si Dawn at para narin humingi ng kapatawaran. Four-thirty ng hapon ang labasan namin. Room 302 si Dawn kaya kumatok muna ako at pumasok. Pagpasok ko...iba ang reaksyon na inaasahan ko sam agiging reaksyon nya...

"Uy ikaw pala Dillan, halika umupo ka. Kumain ka na ba? Eto oh may pizza dito sa table." 

Nagulat ako dahil ang iniisip ko baka sigawan nya lang ako ng sigawan dahil sa ginawa ko kagabi. Pero alam kong hindi naman maapektuhan si Ayessa sa nangyari kay Dawn kung wala silang pinagtalunan. Umupo nalang ako sa may upuan at sinabing...

"Thank you, busog pa ako. Mmm...tungkol dun sa kagabi, gusto kong mag sorry. Hindi ko alam na ganun pala ang nangayri. Si Ayessa na ang nagkwento sakin lahat. Galit na galit sya sakin ngayon dahil sa ginawa ko. Kaya I'm so sorry." 

"Nag so-sorry ka ba dahil galit sayo si Ayessa? O dahil sincere ka talagang nag so-sorry dahil sa ginawa mo?"  tanong ni Dawn.

"Syempre nag so-sorry ako sayo dahil sincere ako, dahil alam ko namang mali talaga yung ginawa ko. Sorry kung naging short tempered ako." 

"Okay lang yun. Sige pinapatawad na kita." 

Niyakap ako bigla ni Ayessa. Ang higpit ng pagkakayakap nya sakin.

"Dillan, pwede kahit ngayon lang, don't let go?" 

Nag nod nalang ako kahit hindi nya ako nakikita. Shock pa ako e.

"Dillan, gusto kita. Simula nung una palang kitang nakita. Sana matanggap mo yun."  Sabi ni Dawn.

Tahimik parin ako ng ilang minuto. Ang awkward kasi pag magsasalita ako habang nakayakap sya. Maya maya bumitaw narin sya.

"Matagal ko ng alam yun Dawn. Malakas ang pakiramdam ko, tanggap ko naman yun eh." 

"Talaga? Thank you Dillan. Mahal na mahal kita."

Hahalikan na sana ako ni Dawn pero umiwas ako.

"Dawn, gusto ko lang iklaro sayo, pero mag so-sorry na ulit ako ngayon, pero di ko kayang suklian ng patas yung pagmamahal mo sakin. Ma-pride akong tao, may pagkamayabang ako pero ayoko namang paasahin ka. Tinatrato kitang kaibigan ko kaya na-aprreciate ko yung mga bagay na ginagawa mo sakin. Pero sorry Dawn, ayoko namang halikan ka sa walang rason." 

Yumuko si Dawn at natahamik saglit.

"O-okay lang yung Dillan. Tsaka sa umpisa palang ako naman ang ay kasalanan. Ang engot ko talaga, kumikilos ako ng wala sa lugar. Sorry din, alam ko namang iba ang gusto mo." 

Nagulat ako sa sinabi ni Dawn. Hindi kaya alam nya?

"Alam ko namang gusto mo si Ayessa, kaya nga naiinggit ako sa kanya eh. Kahit mahina ako, parang mas malakas akong makiramdam sa kanya. Trapped na kasi ang paningin nya kay Jemuel, kaya hindi nya napapansin masyado ang ibang nag care sa kanya." 

Napangiti ako ng bahagya nung narinig ko yung mga sinabi nya, pero di ko alam kung bakit. 

"Ang alam ko lang ngayon, hindi ako titigil na protektahan sya. Kilala ko si Jemuel, baka paulit-ulit nya lang saktan si Ayessa." 

Heaven Beside You (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon