Chapter 3.1
DILLAN’S POV
Nang niyakap ako ni Ayessa at nakita ko si Jemuel na pumunta na sa harap namin. Nakaramdam ako ng pagiging awkward. Syempre niyayakap ako ni Ayessa tapos nakita pa kami ni Jemuel. But for the first place ayoko na sa kanya, basta parang di sila suwak ni Ayessa.
“HAHAHAHAHAHA”-Madlang people.
“Nakakahiya!” Bulong ni Ayessa habang umiiyak.
“Ba-bakit ka naman napapahiya eh aksidente lang naman ang nangyari.” Sabi ko.
“Di mo ba napansin na umangat yung skirt ko nung nadapa ako?” Sabi nya.
“Huh? Hindi ah, kasi I was looking at your face, kasi nag-alala ako kasi nagdudugo sya.”
“Ah, nakakahiya kasi pinagpicturan na nila, kakalat na yan sa internet T_T”
Lumapit si Jemuel sa harapan namin, pero nilagpasan nya lang kami. WTH?! Nasan na yung pagka nice guy nya? Nakakainis ah! Binuhat ko si Ayessa na parang sa pang bagong kasal. Dinala ko sya sa clinic.
“Ayessa, magpahinga ka muna dito hah, I’ll be back in the classroom”
Nag nod lang sya na parang in despair sya.
Bawal kasi mag stay ang student na wala namang sakit sa clinic.
Nung lunch time na, pinuntahan ko sya. I brought her, her food. Naabutan kong nakatayo si Ayessa.
“Bakti ka na nakatayo? Okay ka na ba?” Tanong ko.
“Um.” Nag nod lang sya.
“Dun tayo sa may garden kumain. Halika.” Hinigit nya yung kamay ko at tumakbo kami.
Umupo na kami sa may ilalim ng malaking puno sa may grassy area ng garden.
“Ayessa, eto oh.” Inabot ko sa kanya yung baon nya sa bag nya.
“Thanks :) Eh bakti mabait ka na sakin? Di ka na ba rude guy?”
“Eh diba peace na nga tayo? At para naman makabawi ako sa atraso ko sayo. Nakakatakot ka kasing magalit eh.” Asar ko sa kanya.
Nanlaki na naman yung mga mata nya at alam kong sisgawan na naman nya ako. >.<
“Hah?! Bakit ano ba akong some sort of monster?!”
“Um, ayan na naman, nagagalit ka na naman, nagiging monster ka na naman.” Pinidot ko yung ilong nya at naduling sya.
Tapos naging poker face sya after nyang magalit.
“Uy, I’m just joking.” Sabi ko.
Tumingin lang sya sa sky, as always.
“Ang ganda ng langit no. Dapat di na ako maging monster noh, kasi ang gusto ko magkaron ng isang guy na parang nasa heaven ako.”
“You must control your temper, first.” Nag grin si Ayessa.
“Maiba ako, bakit di mo nilabanan yung babaeng uminsulto sa’yo kanina. Diba palaban ka?” Tanong ko sa kanya.
“Wala akong laban dun, that’s Jemuel’s ex.”
“Bakit walang laban? Ex na nga nya eh. Dapat nga matakot pa sya sa’yo. At tsaka bakit dinaanan lang tayo ni Jemuel at isnob lang sya kanina sa lahat ng nangyari?”
“Kasi I believe na ayaw nya lang pansinin si Ria. Ria is Jemuel’s ex. Fresh lang kasi ang break-up nila. Kaya nanahimik lang sya.”
“Edi may pagkaduwag pala si Jemuel.” Sabi ko.
BINABASA MO ANG
Heaven Beside You (On Going)
Genç KurguIsang simple, matalino at sikat na babae si Ayessa. Magakakaroon ba ng saysay ang mga characteristics nya nato in dealing with love? So read, enjoy and relax. I dedicate this story to my special friend.