Chapter 8.2
JEMUEL'S POV
Medyo masaya naman ako na si Ayessa ang naging kapartner kong tutor, maswerte ako dahil hindi yung Dillan na yun yung nakapartner ko, paniguradong walang katapusang pagaaway na naman yun. Ako nga pala ang pinakamababang ranking sa buong juniors. Tuliro kasi ako ngayon dahil kay Ria at focus ko ang varsity. Ewan ko ba, nawalan lang ako ng interes sa mga bagay-bagay maliban sa pag ba-basketball.
Nandito ako ngayon sa labas ng Class A, hinihintay si Ayessa. Pupunta kami sa park para mag-aral. Kita ko naman nakasilip si Dillan dito. Hah mamatay ka sa inggit.
"Okay class, you may go now. Don't forget your homeworks." Narinig ko na sabi ng teacher nila.
Nakita ko si Ayessa na dali daling inayos yung mga gamit nya at nagpunta kung nasaan ako.
"Jemuel! :D" bati sakin ni Ayessa.
"Hello, so let's go?"
"Uhm sige. Napaghintay ba kita ng matagal? Kung oo, pasensya ka na hah. May pinaliwanag pa sa amin si sir."
"Hindi naman matagal."
Nakita kong nakatingin si Dillan sa amin. Kaya ang ginawa ko...
"Ayessa akin na yung bag mo, ako na ang magdadala."
"Sigurado ka?" Tanong nya.
"Oo naman."
Binigay nya sakin yung bag nya. Ramdam ko na nakatingin parin sa amin di Dillan.
"Thanks Jemuel :D" -Ayessa.
"Don't mention it."
Habang naglalakad kami bigla kong inakbayan si Ayessa. Pilit namang inaalis ni Ayessa yung arm ko na nakapatong sa shoulders nya.
"Jemuel kahit wag mo na akong akbayan."
"Just for this time Ayessa."-me
Nanahimik nalang sya. Lumingon ako sa likod, at kita ko ang mukha ni Dillan na galit na galit. Sorry Dillan, I win this time. I mean na akong panalo.
AYESSA'S POV
Habang naglalakad kami palabas ng school, kinuha ni Jemuel yung bag ko at dinala nya tapos bigla nya akong inakbayan O_O
"Jemuel kahit wag mo na akong akbayan." sabi ko.
"Just for this time Ayessa." sabi naman ni Jemuel.
Nakaakbay parin sakin sya hanggang sa nakalabas kami ng campus. Marami na namang insekyora na masama ang tingin sakin. Di ko ba alam kung bakit pa ako dito nag-aaral and daming bitch. >_< Pero okay lang nandito naman si Jemuel kaya siguro di rin ako nakaalis at tsaka nasakin narin yung tiwala ng mga teachers at administrators.
Naglalakad parin kami ni Jemuel at malapit narin kami sa park.
"Natanggap mo ba yung pinabibigay ko sayo?" tanong nya.
"Yung reviewer na pinasend mo kay Dillan?'
"Yup"-Jemuel
"Yes, nung sabado ng umaga. Iniscan muna ni Dillan tapos kanina nya lang binigay yung whole copy. Busy kasi sya last weekend kaya wala syang time na ibigay sakin ung original."
"Ah, good."
Hay ang saya ko ngayon. Ang gwapo talaga ni Jemuel, ang tangos pa ng ilong. Kinikilig talaga ako!
"May tanong ako Jemuel."
"Ano yun?"
"Matagal na ba kayong magkakilala ni Dillan kahit hindi pa sya nag transfer dito?"
BINABASA MO ANG
Heaven Beside You (On Going)
Genç KurguIsang simple, matalino at sikat na babae si Ayessa. Magakakaroon ba ng saysay ang mga characteristics nya nato in dealing with love? So read, enjoy and relax. I dedicate this story to my special friend.