PROLOGUE
MANGIYAK-NGIYAK NA pinipigilan ni Dimple ang pagtapon ng landlady sa kaniyang mga gamit. Nagmamakaawa itong bigyan pa siya ng palugit para mabayaran ang kaniyang utang at bayad sa renta.
"Kahit anong gawin mo, hindi na ako maniniwala sa mga rason mo!" Sigaw ni Aling Tess, ang may-ari ng inuupahan nito.
"Babayaran ko po kayo kapag natanggap ako sa in-applyan ko, pangako! 'Wag niyo naman pong gawin sa akin 'to," aniya at isa isang pinulot ang mga nagkalat nitong gamit sa daan na tinapon ni Aling Tess.
"Sawang sawa na akong marinig 'yang pangako mong 'yan! Lumayas ka na rito! Malas ka pa sa negosyo ko!" Muling sigaw sa kaniya.
Hindi na nito alam kung saan pa siya huhugot ng lakas ng loob para harapin ang mga taong nagtitinginan sa kaniya. Nahihiya na rin ito sa mga pinagsasasabi ni Aling Tess, dagdagan pa ng mga nagbubulungang kapitbahay niya. Pagtapos ibato sa kaniya ang lahat ng kaniyang gamit ay hindi na ito nag-aksaya pa ng oras para magmakaawa ulit dito. Nakayuko itong umalis habang bitbit ang kaniyang iilang gamit. Anumang oras ay maiiyak ito.
CJM Agency
Hi Castrod, we would like to congratulate you for winning a slot in CJM's Girl House and a scholarship from our very own President. Thank you for joining our fourth anniversary pa-raffle and for celebrating it with us. Once again, Congratulations!
"I.. won? Oh my g, I won!! I won!!" Nagtatatalon nitong sambit.
Binitawan nito ang mga gamit na hawak pagtapos niyang mabasa ang in-email sa kaniya ng sinalihan nitong pa-raffle. Niyakap nito ang kaniyang cellphone at nagdiwang na parang hindi ito umiyak kanina.
Kilala ang may-ari ng CJM na nangunguna sa may pinakamayamang naninirahan sa kanilang lungsod. Pagmamay-ari rin nila ang iilang villages sa may parteng richest area ng Sunrise City. Naisipan ni Clarris Joy Marzo na ibahagi ang kaniyang yaman sa pamamagitan ng pa-raffle para ipagdiwang ang kanilang anibersaryo.
Matagal na ring iniidolo ni Dimple si CJ Marzo dahil sa mga naiambag nito sa kanilang lungsod, gayundin sa iba pang lugar. Naging role model niya na ito pagtapos niyang masaksihan ang ilang tulong na ginawa nito sa iba at tulong na natanggap din nito.
"Josette? Hello? Josette," sagot nito nang maputol ang pagdiriwang niya dahil sa tawag na iyon.
"Dimple," isang mahinang tawag sa kaniyang pangalan ang sumagot sa kabilang linya.
"I have something to tell you. Alam mo ba, pinalayas na ako ni Aling Tess sa bahay." Dimple started. "But don't worry, I'm fine. Isa pa, may good news ako sa'yo," excited na itong ibalita ang tungkol sa napanalunan nito.
"I'm sorry," ayun lang ang naitugon nito.
"W-what? No, don't be sorry. Ayos lang naman ak-"
"Let's break up." And with that, he hang up the phone.
Sinubukan niya ulit itong tawagan subalit hindi na ito sumagot. Ilang beses niya pa itong inulit subalit hindi na niya ito matawagan pa. Hindi ito nag-aksaya ng oras pa at nagmadali itong pumunta sa bahay ni Josette.
"Josette? Josette, andiyan ka ba? Josette please, let's talk. Please? Kausapin mo 'ko, Josette, please," nakailang beses pa niya itong tinawag subalit walang Josette na lumabas.
"Nako, umalis na 'yung nakatira diyan, kahapon pa. May sumundo nga sa kaniyang itim na van, kaya wala ng taong lalabas diyan." Wika ng Ginang na may dala dalang walis tingting. Mukhang lumabas lang ito sa bahay nila para sabihin 'yon dahil agad din naman itong pumasok sa loob.
Nangingilid ang kanina pang nagbabadya nitong luha at tuluyang naibagsak ang tuhod sa sahig. Mapait itong tumawa saka pinunasan ang sunod sunod na pagpatak ng luha. She once again felt this kind of pain.
Si Josette na lang ang mayroon siya simula nang mawala ang pamilya niya, si Josette na lang ang pinanghahawakan niya para harapin ang kinabukasan kahit minsan ay parang ayaw na niya. But then..
He's gone.
He left.
BINABASA MO ANG
GIRL HOUSE SERIES: Dimple Castro
General FictionGIRL HOUSE SERIES #1: Dimple Castro ---- Dimple Castro is a person scared to trust people. As her family died in a house fire, her life started to experience pain and sorrow. But with him who always there beside her, she finds hope to face the cruel...