CHAPTER 2

149 26 2
                                    

CHAPTER 2

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 2



               NAKANGITI SI LEXA sa akin habang nakapalumbaba itong tinititigan ang gawi ko. Siya ang nagbigay ng makakain ko ngayon matapos ako nitong makita kanina. Nagpakilala ito sa 'kin at batid kong siya ang ikawalong babae rito na hindi ko nakilala kanina.



"Hindi mo dapat pinababayaan ang sarili mo, bakit ngayon ka lang kumain?" Tanong nito sa akin.



"Ngayon lang ako nagising," tipid na sagot ko saka ipinakita sa kaniya ang egg sandwich at inalok bago ito kainin. Tinanguan lang ako nito habang nananatili sa kaniyang puwesto. Malaya ko naman itong pinagmamasdan.



Kung ilalarawan, mayroon itong mahaba ngunit magulong buhok na pinapatungan ng kaniyang violet eye mask na ginagawa nitong headband. Violet din ang suot suot nitong pajamas. Hindi ito ganoon katangkad at sakto lang din ang kaniyang katawan.



"Hindi ka na dapat nagdalawang isip kumuha ng pagkain kung nagugutom ka," sambit nito at iniabot sa akin ang baso. "Wala namang nagmamay-ari ng mga pagkaing 'yan. It's from the agency and they gave it for us." Dagdag niya pa.



"Mahirap nang mapagbintangan. Nag-iingat lang din ako." Sagot ko rito saka ininom ang tubig.



Pagtapos kong kumain ay sandali ko itong niligpit saka nagpaalam sa kaniya. Ayaw pa sana ako nitong paalisin pero nang tanungin ko kung wala ba itong pasok ay tango na lang ang naging sagot nito. Sabay na kaming umakyat at doon ko rin napagtantong magkatabi lang ang kwarto namin.



Nang makapasok na akong kwarto ay minabuti kong ayusin muna ang damitan ko. Saktong pagbukas ko ng cabinet ay doon ko nakita ang tatlong pares ng school uniform.



"Hamilton University.." mahinang basa ko sa logo na nakalagay sa polo. Kinuha ko ito at sa bandang kanan sa taas banda sa dibdib nito ay nakaburda ang apelyido at initials ng first and middle name ko.



Hindi pa man ako nakakatagal sa pagliligpit ay nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ko. Lumapit ako rito at binuksan ito. Kumunot naman agad ang noo ko nang makita kung sino ito.

GIRL HOUSE SERIES: Dimple CastroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon