EPILOGUE
NAKAYUKO AKO habang nakaupo sa office ni Madame Fajarado. Inimbitahan ako nito kasama si Josette at ang mga manager namin sa office nito. Hindi ko alam kung tama ang iniisip ko pero wala naman akong ibang dahilan na maisip kung bakit kami nito pinatawag. Paniguradong tungkol ito sa nangyari noong nag-ensayo kami.
Palihim akong nagulat at tumingin sa gawi ni Josette nang maramdaman ko ang kamay nito na hinawakan ang akin mula sa ilalim ng lamesa. Hindi naman ito tumingin sa akin pero pansin ko ang pagngiti nito. Hindi ko naman maiwasang hindi mapangiti rito.
"I.. I keep asking myself since yesterday, if.. if I did something wrong in the past." Panimula ni Ms. Fajarado. Nakaharap man ito sa amin subalit wala sa amin ang kaniyang paningin. Nakatungo ito subalit nasa baba naman ang tingin ng kaniyang mata.
"Naging strikto ba ang kumpanya sa inyo masyado? May human rights ba kaming natapakan sa inyo?" She asked like she was talking to herself.
Tahimik lang kaming naka-upo. Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa paligid ko at doon nakita ang komportableng nakaupong si tita. Para bang hindi nito pino-problema ang pagtawag ni Ms. Fajardo sa amin.
"As the founder and the CEO of this entertainment, dapat ay noon ko pa inayos ang tungkol sa issue na ito. I am deeply in regret for realizing it late. Noon pa lang, dapat ay umaksyon at tumutol na ako nang itala nila ang tungkol sa rules na nabibilang sa contract na pinirmahan niyo."
"You are not just an employee here, you're not just working for me and you don't owe me anything para pigilan ang pagiging tao niyo. I know you have feelings too at kahit ako o sinuman ay hindi mapipigilan ang mga nararamdaman niyo. Kaya gusto ko sanang humingi ng pasensya hindi lamang sa inyo, kun'di sa lahat ng mga nagta-trabaho rito na pinipigilan ang nararamdaman nila dahil lang sa nakasulat na panuntunan na iyon sa kontrata. Please, accept my apologies."
Ms. Fajarado rose from her seat, so we all stood up. Ganoon na lang ang gulat namin nang yumuko ito sa amin. Nataranta kami sa ginawa nito at agad itong pinahinto.
"Come on, Angie, ano ba ang ginagawa at sinasabi mo riyan? You did nothing wrong. If you felt like you did something wrong, at least nasabi mo na 'yon ng maaga. Hindi mo 'to kailangang gawin, of course they understand. Right?" Lumingon sa gawi namin si tita at nakuha naman namin agad ang ibig nitong ipahiwatig.
BINABASA MO ANG
GIRL HOUSE SERIES: Dimple Castro
Ficção GeralGIRL HOUSE SERIES #1: Dimple Castro ---- Dimple Castro is a person scared to trust people. As her family died in a house fire, her life started to experience pain and sorrow. But with him who always there beside her, she finds hope to face the cruel...