CHAPTER 5

108 21 7
                                    

CHAPTER 5

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 5



               "DIMPLE, SORRY NA bati na tayo, oh! Sorry na," pilit akong kinakausap ni Lexa at humihingi ng pasensya. Dismayado akong tumingin sa kaniyang malungkot na mukha.



"Hindi mo man lang sinabing kilala mo siya? Noong nagpasama ako sa 'yo sa mall para makita siya, kilala mo na siya no'n di ba?" I asked trying to control my anger. Tumango ito na mas nagpadagdag ng inis ko.



"In-enjoy mo bang makita akong mukhang tanga sa harap niya? In-enjoy mo ba 'yung senaryong napahiya ako? I thought you're trustworthy enough, pero kagaya ka rin pala ng iba." I accused with a sigh of disappointment.



Nilampasan ko ito pero patuloy pa rin ito sa pagsunod sa akin. Tinatawag nito ang pangalan ko pero hindi ko 'to pinansin at dire-diretso lang na naglakad. I looked for my second subject's room and luckily hindi ako naligaw.



Huminga muna akong malalim bago tuluyang pumasok dito. I am 8 minutes early kaya hindi nakakapagtakang kakaonti pa lang ang mga tao. Iniyuko ko ang ulo ko saka inihiga ito sa table ng inuupuan ko. Muling pumasok sa isip ko si Lexa. Hindi ko tuloy alam kung anong mararamdaman ko. Siya pa naman 'tong madalas kong makausap sa bahay.



The time has come and so our professor. Hindi ko namalayang marami na pala kami rito sa room. He started the lesson and of course, he asked me to introduce myself dahil bago raw ako sa klase n'ya. Unlike sa kaninang klase, wala masyadong chismosa sa klase kong 'to. It seems like they mind their own business kaya payapa akong nakapagklase.



Everything went fine hanggang sa matapos ang klase. Tatlong subject lang ang mayroon ako ngayon at bukas naman ang iba kong ireretake. 3rd year college na sana ako pero marami akong subjects na naibagsak. And yes, Irregular as it is.



Pinasukan ko ang last subject ko for today and to my surprise, wala pa sa dalawampu ang mga tao rito. Another professor entered the class and as soon as he come in, he started his lesson without introducing himself.



Nagmamadali siguro.

GIRL HOUSE SERIES: Dimple CastroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon