CHAPTER 1

212 25 6
                                    

CHAPTER 1

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

CHAPTER 1



               ISANG BLACK LIMOUSINE ang sumundo sa akin bago ako tuluyang nakaalis sa Appleside Village kung saan ako nakatira. Kaharap ko ngayon ang isang lalaking may suot suot na black suit at may hawak hawak ang kaniyang kanang kamay na isang wine glass.



"Balita ko ay magt-third year college ka na sa pasukan? Anong course mo?" Magkasunod na tanong nito sa akin nang hindi man lang ako tinitignan. He's swirling the glass and sipped his wine. Umayos ako ng upo bago ito sinagot.



"Second year college lang ho ulit. Masyado po akong maraming naibagsak na subject," I answered. Nasamid naman ito sa iniinom niyang wine at pekeng umubo bago ito tuluyang humarap sa akin.



"What happened?" Nanatiling walang ekspresyon ang kaniyang mukha nang itanong niya iyon sa akin.



"I'm a working student, masyado akong nahihirapang pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho ko. Minsan ay nauubusan ako ng oras sa pagtatrabaho imbes na sa pag-aaral," gaya nito ay seryoso lang ang mukha ko nang sagutin ko ito. "I have to work hard so I can live. Lalo na't wala namang tutulong sa'yo." I added.



Tumango naman ito sa sinabi ko at muling tumingin sa labas ng sasakyan. Hindi na ako nagkwento pa dahil hindi na rin naman ito muling nagtanong. Naubos na ang wine sa baso nito at hindi parin kami nag-uusap. We're both silent and I didn't bother to talk.



Masyado na akong maraming iniisip ngayon. Kaninang umaga, ipinaalam sa akin ng kaklase ko na ipinapatawag ako sa school dahil halos lahat ay naibagsak ko kaya kailangan ko raw i-retake 'yon. Sumunod naman 'yung sa tinitirahan ko na noong isang buwan lang ay pinalayas ako, tapos ay ang pakikipaghiwalay ni Josette.



Hindi ko man lang alam kung bakit niya ako hiniwalayan. Kung bakit niya ako iniwan. Ngayon pang kailangan ko siya. Ang pagkakapanalo ko na lang ata sa Girl House ang magandang nangyari sa akin. Hindi ko alam kung ano ba dapat 'yung mararamdaman ko. Ang hirap sumaya, lalo na't ang daming kapalit.



"Andito na tayo!" Sambit nito. Pagkasabi niya no'n ay isang lalaki ang nagbukas sa pinto ng sasakyan.

GIRL HOUSE SERIES: Dimple CastroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon